Ako? Adik kay Elmo Moses Magalona at Julie Anne San Jose. Yun lang :)
MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

22nd June 2012

Post with 1 note

The Story Of Us. 11 : “You and Me”

One week before ng prom. Busy lahat.  Teachers man o students. Ang barkada naman tambay lang sa tambayan nila. Week before ng prom, madalas puro free time na lang. Masyado ata kasing pinaghahandaan ngayon.

Sa canteen…

Yassi : So guys… May partner na ba kayo para sa prom?

Joyce : Meron na.

Lauren : Same here. Ikaw best?

Nakatingin sa kawalan si Julie habang tuloy tuloy lang sa pag inom ng inumin nya.

Yassi : Julie? Hey?

Julie : Ha? Ah ano na nga ba ulit yung topic natin?

Yassi : Kung may partner ka na ba para sa prom?

Biglang sumimangot si Julie.

Joyce : Alam ko na sagot jan.

Yassi : Me too!

Lauren : Di ka pa din niyayaya ni Elmo?

Julie : Hindi talaga!

Lauren/Joyce/Yassi : Ha? Bakit naman?

Julie : Pano may partner na daw sya!

Yassi : Sino nagsabi? Saka sino?

Julie : Si Janine! Si Janine daw ang partner nya para sa prom!

Joyce : Talaga?!

Biglang natawa si Yassi.

Julie : Tinatawa tawa mo jan Yass? Kaya ayokong sumama ng prom eh! Wala akong partner baka magmukha lang akong tanga!

Tumatawa pa din si Yassi.

Lauren : Yassi? Okay ka lang?

Yassi : Hindi kasi naman si Julie ang cute pala nya magselos.

Julie : Excuse me! Hindi po ako nagseselos. Edi kung partner nya si Janine edi sila na ang partner! Maghahanap na lang ako ng iba.

Yassi : Dude? Lalaki? Ikaw maghahanap?

Tumingin ng masama si Julie kay Yassi.

Yassi : Okay, please don’t tell anyone ha? Kasi ganto wala pa pong partner si Elmo para sa prom. Besides isa lang din naman ang gusto nya makapartner eh.

Lauren : Sino?

Yassi : Sino pa ba? Edi si Julie Anne P. San Jose!

Lauren/Joyce : Ayeeeee!!!

Julie : Magtigil nga kayo jan!

Umakbay si Yassi Julie.

Yassi : Friend. Alam mo, pinagseselos ka lang ni Elmo. Saka sinakyan lang sya ni Janine alam mo naman crush na crush nun si Elmo di ba? Pero friends lang din sila kaya okay lang yan ha?

Lauren : So parang gumanti lang pala si Elmo?

Joyce/Yassi : Gumanti?

Lauren : Yah.

Sa room…

Kris : Guys sa prom sabay sabay na lang tayo pumunta dito, ayoko na ng hinatayan mahirap na!

Mark : Speaking of prom, may nayaya na ba kayo?

Kris/Martin : Yep!

Mark : Ikaw Elmo?

Nakabusangot si Elmo. Habang nakatingin sa tatlo.

Elmo : Wala, wala na akong ganang pumunta sa prom.

Kris : Pero akala ko ba si Janine na yung partner mo? Pano yun pare?

Elmo : Hindi naman talaga kami partner eh.

Mark : Eh ano pala?

Elmo : Wala lang.

Martin : Ah parang alam ko na kung ano ang nangyari.

Mark : Ha?

Martin : Ginamit mo lang sya di ba? Kasi nalaman mong may partner na si Julie.

Mark/Kris : Talaga!? Sino?!

Elmo : Edi yung hilaw na si Steven!

Mark : Eh pano na yung plano mo?

Elmo : Edi wala na!

Martin : Saka pano mo nalaman na si Steven yung partner nya?

Papunta si Elmo sa library baka kasi nandun si Julie pero nakita nya sa hallway ng school kausap si Steven. Dumaan si Elmo sa gilid nila, pero patay malisya na parang wala si Julie at Steven.

Steven : So Julie can you be my prom date?

Hawak hawak ni Steven yung malaking cartolina na kinorteng puso.

Tumingin si Elmo sandali kila Julie at Steven saka dumiretso na sa library. Hindi na nya hinintay pa na marinig yung sagot ni Julie. Kasi ang totoo naiinis sya dahil naunahan sya ni Steven at may effort pa.

Elmo : Asar! Asar naman oh! Ang bagal mo kasi!

Biglang may kumalabit kay Elmo.

Janine : Huy? Problema mo?

Si Janine, ang cheerleader ng cheering squad ng school nila Elmo. Ang may crush na crush kay Elmo simula grade 1 pa lang sila kaya todo papansin na sya dito madalas. Pero kahit ganon, mabait naman si Janine and alam nyang hanggang friends lang talaga ang tingin sa kanya ni Elmo.

Kinuwento ni Elmo kung bakit sya naiinis kaya naman agad syang sinakyan ni Janine at pumayag na magpanggap bilang partner ni Elmo sa prom.

Elmo : Thanks Janine!

Janine : Walang anuman. Sige Elmo, may praktis pa kami. Bye!

Pagbukas ng pinto ni Elmo ng library saktong papasok naman si Julie. Saka nya narealize na malamang nagkasalubong si Janine at Julie kaya ngumiti si Elmo ng nakakaloko na pinagtaka naman ni Julie.

Elmo : Hi Julie.

Julie : Hi!

Elmo : May partner ka na sa prom?

Julie : Ako?

Turo sa sarili ni Julie.

Julie : Si Steven? Ikaw?

Elmo : Yes! Pero syempre secret! Ah sige mauna na ako. Bye!

Kris : Nako! Buti okay lang kay Janine yun?

Mark : Pare pano pag kumalat sa buong campus yun?

Elmo : She knows naman eh. Alam nyang kay Julie lang namin papaabutin. And alam na din ni Carlo kaya okay na.

Pilit na ngumiti si Elmo.

Kris : Okay lang yan bro.

Tinapik tapik ni Kris yung balikat ni Elmo.

*itutuloy :)

9th June 2012

Photoset reblogged from silent smile with 175 notes

rstydzn04:

                REBLOG FOR “♥JULIELMO♥”

                 LIKE FOR “♥KATHNIEL♥”

Source: rstydzn04

29th May 2012

Post

The Story Of Us. 10 : “My LOVE for YOU? So BIG”

Julie : San na ba toh?

Elmo : Julie! Kanina ka pa ba nandito? Sorry ngayon lang ako.

Julie : Okay lang, bat mo ba ko biglang pinapunta ditto?

Elmo : Pwede bang secret muna?

Wagas na ngumiti si Elmo.

Julie : Hay! Secret na naman?

Elmo : Ah basta mamaya! Tara bilis.

Pinasakay ni Elmo si Julie sa kotse.

 

Sa kotse…

Julie : Hello po.

Sabay ngiti si Julie. Bago pa ipakilala ni Elmo si Julie sa ginang na nakaupo sa driver’s seat ay ngumiti muna sya habang nakatingin sa dalawa.

Elmo : Ah Julie sya si Tita Karylle.

Karylle : Hi so ikaw pala si Julie.

Ngumiti si Julie habang nakatingin sa kanya si Karylle sa salamin.

Elmo : Tita sya po si Julie.

Karylle : Yung madalas mong ikwento sakin pag uwi na pag uwi mo sa bahay? *naughty smile*

Julie : Po?

Elmo : Tita! Pahatid na kami sa park… Please?

Karylle : Bakit? Ayaw mo bang malaman ni Julie yung mga ginagawa mo sa bahay habang kinukwento mo sya sakin?

Elmo : Tita please! Nakakahiya!

Tumawa ng kaunti si Karylle bago nya pinaandar ulit yung kotse.

Julie : Moe, san ba tayo pupunta?

Elmo : Basta!

Wagas na ngumiti si Elmo habang tumingin naman si Julie sa daan na tinatahak nila.

 

Pagdating sa park bumaba na si Elmo at Julie.

Elmo : Tita! Thanks po.

Karylle : Welcome. Umuwi ng maaga mamaya ha? Tatawag daw ang Dad mo.

Elmo : Okay okay…

Karylle : Osige na. Good Luck kiddo!

Bumeso na si Elmo kay Karylle saka naman umalis.

Julie : Close kayo ng Tita mo noh…

Elmo : Uhmm… Mm… Mas close kami kesa kay Mom.

Julie : Talaga? Bakit naman?

Elmo : Ewan. Maybe because si Tita na yung nagpalaki sakin.

After ng ilang minutong paglalakad nakarating na din sila sa pupuntahan nila.

Elmo : Ah Ja teka. Pikit mo muna mata mo.

Pinikit ni Julie yung mata nya saka naman nilagyan ni Elmo ng scarf.

Julie : Oh talagang may ganto pa? Haha.

Elmo : Eh syempre kelangan toh. Ano ready ka na ba?

Julie : Uhmmm… Kanina pa actually.

Inalalayan ni Elmo si Julie habang naglalakad papunta sa damuhan.

Elmo : Okay na!

Dahan dahang minulat ni Julie yung mata nya at ng malapit na nya mamulat at Makita yung nasa harap nya…

Julie : Oh my shocks! Elmo silong muna tayo!

Elmo : Aaaarrrrggg!!!

Sumilong si Elmo at Julie. Para silang mga basang sisiw lalo na si Elmo dahil di kagad sya umalis sa kinatatayuan nya.

Tumingin si Julie sa banner na nakasabit sa magkabilang puno.

Julie : Oh ano bang meron sa banner na yon? Sinabit pa nila wala naman nakasulat.

Elmo : Naulanan eh. Nabasa. -_-

Elmo’s mind

Ano ba kasing pintura ang ginamit nyo Kriiiiiiiiisssss!!!

Julie : Ah ano na nga ba yung ipapakita mo?

Elmo : Wala na…

Julie : Ha? Bakit naman?

Elmo : Kasi sira na sya…

Julie : Ano ba kasi yun?

Huminga ng malalim si Elmo tapos ay nagsalita ulit…

Elmo : Julie will you be my gir——-

Biglang nagring yung phone ni Julie kaya di na natapos ni Elmo yung sasabihin nya.

Julie : Oh kuya? Andito po sa park… Si Elmo ang kasama ko… Ah osige uuwi na din ako nyan. Bye.

Elmo’s mind

Asar naman oh! Ikaw ulan ka sumusobra ka na ah! Nakakadalawa ka na sakin. Bad trip!

Binaba na ni Julie yung phone nya saka humarap ulit kay Elmo.

Julie : Ano ulit yun Moe?

Elmo : d-_-b Wala. Sabi ko tara hatid na kita. Baka magkasakit ka pa.

Ngumiti si Julie. Saktong nagaya si Elmo para ihatid si Julie, sakto namang tumila yung ulan.

Pagdating sa bahay nila Julie.

Julie : Sure ka hindi ka na lang muna mag stay dito?

Elmo : No okay lang. Baka hinahanap na din ako ni Tita. Saka sabi nya tatawag daw si Dad kaya kelangan ko umuwi ng maaga.

Julie : Ah. Osige. Ingat ka ah?

Elmo : Yes boss!

Medyo natawa ng kaunti si Julie nung sabihin ni Elmo yung boss with matching salute pa kasi at kindat.

Julie : Ay nako ikaw talaga kahit kelan ang landi mo. Osige na umuwi ka na po pala kung uuwi ka.

Umalis na si Elmo saka naman pumasok na sa loob si Julie at agad na nagpalit ng damit.

Jake : So how’s the date? Sinagot mo na?

Julie : Haha. Sira ka talaga kuya. Wala hindi pa nga ako tinatanong sasagutin ko na kagad?

Jake : Hindi pa?!

Julie : Oo. Oh bat naman gulat na gulat ka jan?

Jake : Ah wala. Sige pala magpahinga ka na jan ipagluluto na lang kita ng sopas.

Julie : Thank you kuya!

Pumunta na sa kusina si Jake saka nagluto ng sopas.

Jake’s mind

Hindi pa nya sinasagot? Hindi pa din sya tinatanong? Ano naman kayang nangyari? Pumalpak na naman siguro tong si Magalona. Tsk tsk.

 

Agad na pinagpalit ng damit ni Karylle si Elmo ng dumating ng bahay. Pagkatapos ay humarap kagad si Elmo sa laptop para kausapin ang Dad nya.

Habang nagpupunas ng buhok si Elmo.

Elmo : Oh Dad.

Dingdong : Kamusta ka na jan?

Elmo : Okay naman po. Kayo po jan? Si Mom? Si Arkin? Kamusta po kayo?

Biglang sumingit si Arkin sa web cam.

Arkin : Hi kuya!

Elmo : Arkin!

Dingdong : Ay nako. Sige na nga kayo na muna ng kapatid mo ang mag usap. Sige Moe.

Elmo : Sige po.

Umalis na si Dingdong saka naman pumalit si Arkin at nakipagkwentuhan kay Elmo.

Arkin : Grabe kuya ang ganda nya!

Elmo : Naks! Mukhang inlove na ang lil bro ko ah!

Arkin : Kuya! Don’t call me lil! Malaki na ako!

Elmo : Haha! Eh di ba ako nga si Big bro! Meaning kung ako si big ikaw si lil.

Arkin : Eh dati yun.

Elmo : Kahit na!

Arkin : Ah Kuya maiba ako. Ikaw sino na nga pa lang girlfriend mo? Hehe.

Elmo : Ako?

Sabay turo ni Elmo sa sarili saka ngumiti kay Arkin.

Elmo : Secret!

Arkin : Ang daya naman oh! Isusumbong kita kay Dad sige ka!

Elmo : Oy! Umayos ka. Sige pag uwi mo dito mauupakan kita.

Nagtawanan si Elmo at Arkin. Kahit na graduating na si Elmo para pa rin silang mga bata kung maglokohan kahit na sa web cam lang sila nag uusap.

Arkin : Kuya naman! Syempre joke lang yun.

Elmo : Haha. Ewan ko sayo.

Karylle : Kahit kailan talaga, para pa rin kayong mga bata. Hi Arks.

Arkin : Hello Tita!

Kumaway kaway si Arkin kay Karylle.

Arkin : Tita! Kilala mo po ba kung sino ang girlfriend ni Kuya?

Tumingin muna si Karylle kay Elmo saka ngumiti kay Arkin

Arkin : Haha. So Tita sino ang malas na girlfriend ni Kuya?!

Elmo : Arkin Magalona!

Arkin : Hehe.

Biglang sumingit si Dingdong.

Dingdong : Oh Arks, tama na yan. Mag paalam ka na sa kapatid mo. Gawin mo na muna yung gma homeworks mo.

Arkin : Sige po. Bye kuya. Bye Tita.

Karylle & Elmo : Byeeee!!!

Dingdong : Moe, sige na kausapin ko na muna ang Tita mo.

Elmo : Sige Dad.

Dingdong : Sige, mag ingat ka jan pa lagi ha.

Elmo : Opo. Sige po.

Tumayo na si Elmo sa kinauupuan nya saka pumasok sa kwarto nya. Bago tuluyang isara ni Elmo yung pinto ng kwarto nya tinignan muna nya si Karylle at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ng Tatay nya.

Dingdong : So kamusta jan?

Karylle : Okay naman.

Dingdong : Good. Ah Karylle, ikaw kamusta ka na…

Karylle : Okay naman.

Dingdong : Kung gusto mo na umuwi na kami jan sabihin mo lang.

Karylle : Dong, ano ka ba. Okay lang ako.

Dingdong : Kelan mo balak sabihin kay Elmo?

Natahimik si Karylle habang naghihintay si Dingdong sa sagot ni Karylle.

Karylle : Saka na.

Dingdong : Pero Ka—-

Karylle : Osige na Dong, malalate ka pa sa trabaho mo. Masermonan ka na naman ni Marian.

Napangiti si Dingdong sa sinabi ni Karylle.


Totoo naman kasi na paglate si Dingdong sa trabaho. Lagi syang nasesermonan ni Marian.

Dingdong : Osige. Magingat kayo jan.

Saka nag sign out na si Dingdong at pinilit ni Karylle na pigilan yung pagtulo ng luha nya.

 

Sa kwarto ni Elmo…

Nakatulala si Elmo sa kisame habang hinahagis hagis yung bola ng basketball sa ere.

Elmo : Nakakadalawa na ako. Last chance na nga siguro sa JS. Haist.

Naalala ni Elmo yung unang subok nya.

Elmo : Bro? Ano okay na ba? Mukha ko?

Kris : Check!

Elmo : Suot ko?

Kris : Check!

Elmo : Buhok ko?

Kris : Check! Bro okay ka lang! Mukha mo lahat na!

Elmo : Eh kinakabahan kasi ako eh.

Kris : Bakit naman?

Elmo : Pano pag hindi naman pala nya ko gusto?

Kris : Bro, di ba nga pinayagan ka na nyang manligaw. Meaning may chance ka.

Huminga ng malalim si Elmo.

Kris : Sige bro kaya mo na yan! Mauna na kami ha. Nakaready na pala lahat. Yung mga pagkain nasa basket na din.

Mark : Pare, si Kuya John na lang maghahatid sa inyo ha.

Elmo : Sige pare. Thanks!

Saka na lumabas si Elmo. Sumakay ng kotse saka sinundo si Julie.

Elmo : Okay ka na?

Julie : Oo, san ba kasi tayo pupunta?

Elmo : Basta! Secret muna ngayon!

Julie : Ang daya mo naman eh!

Natawa ng kaunti si Elmo saka sumakay na sa kotse.


Nagpunta sa park sila Julie at Elmo. Sa isang lugar dinala ni Elmo si Julie, may nakalatag na blanket, basket na puro pagkain, may gitara. bago sila umupo ni Julie binigay muna nya yung isang bouquet ng red rose. Wala silang ibang ginawa kundi ang magkwentuhan, habang panay tyempo naman si Elmo kung pano tatanungin si Julie. Naglakad lakad sila, hanggang sa umabot sila sa playground saka umupo sa swing. Gabi na din kaya medyo malamig na yung simoy ng hangin.

Elmo : Ah Julie, hindi ka ba nilalamig?

Julie : Hindi naman.

Elmo : Sure ka?

Julie : …sakto lang.

Elmo : Ah sige kunin ko lang yung jacket dun ah dito ka lang.

Tumango si Julie saka naman umalis si Elmo.

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring Elmo’ng bumabalik.

Julie : Ang tagal naman ni Elmo. Asan na ba yun?

Maya maya pa ay may narinig na kumakanta si Julie mula sa likod nya habang nag gigitara papalapit ng papalapit si Elmo sa kanya.

Elmo :

Funny how I fell for you

And the day you caught my eye

And my life have never been the same

Since the day I saw your smile

Julie :

As you shine above from everyone

Napangiti si Elmo after na kinanta ni Julie yung part ng song na yun.

Elmo :

You stand out from the crowd

Julie :

Somehow I can’t find words to say

Elmo :

You’re indescribable

Elmo&Julie :

And you sweep me off my feet
Everytime you smile at me, at me, at me, at me…

You light my way
You always take my breath away
You set me free
When everytime you smile at me


Elmo : You know that song?

Ngumiti si Julie, saka huminga ng malalim si Elmo pagkatapos ay nilapag nya yung gitara sa tabi ng swing.

Julie : Favorite ko kasi yun.

Elmo : Really?

Julie : Yep.

Lumapit si Elmo kay Julie saka kinuha yung isang kamay saka inalalayan syang tumayo.

Julie : Ginagawa mo?

Hawak na ni Elmo yung dalawang kamay ni Julie.

Elmo : Julie, will be my gir—-

Biglang bumuhos yung malakas na ulan.

Julie : Elmo!

Napatakbo ng mabilis si Elmo at Julie sa kotse kung san naka park yung sasakyan. Pagdating naman nila agad silang pinagbuksan ng pinto ni Kuya John.

Kuya John : Elmo, Julie.

Sumakay agad si Kuya John saka pinaandar yung kotse.

Kuya John : Elmo, san na tayo?

Tulala si Elmo. Naiinis pero hindi nya pinapahalata kay Julie.

Julie : Elmo? San na daw tayo?

Elmo : Ha? Ah. Hatid na natin si Julie Kuya.

Kuya John : Ha? Ah sige sige.

Hinawakan ni Julie yung isang kamay ni Elmo.

Julie : Moe, thank you sa araw na toh ah. Kahit umulan at uuwi tayong basa masaya pa rin. And ang galing mo pa lang kumanta kanina.

Pasimpleng napangiti si Elmo habang nakatingin sa bintana.

Hinatid na nila si Julie sa bahay nya saka naman dumiretso sya sa bahay ni Mark.

Mark : So ano pare? Kayo na ba?

Kris : Naks! Congrats!

Ginulo gulo ni Kris at Mark yung buhok ni Elmo.

Martin : Oy ano na?

Saka hinagis ni Martin yung mga inumin na hawak nya, buti nasambot nila Elmo.

Elmo : Di ko natanong eh.

Mark/Kris/Martin : Ano?!

Kris : Pano nangyari yun?

Elmo : Bigla kasing umulan. Ayun nung tatanungin ko na dapat sya biglang umulan ng malakas. Tapos pag dating naman sa kotse, hindi ko na matanong.

Martin : Ang hina mo talaga Elmo!

Elmo : Eh sa nahiya ako eh…


Biglang napangiti si Elmo nung naalala nya yung unang beses. Palpak sya pero masaya kasi alam nyang nakasama nya si Julie nun. Yun nga lang umulan…


Elmo : Last chance! This JS Prom. Promise! I’ll do it right.

Biglang nag ring yung phone ni Elmo, napangiti sya nung nakita nyang nagfa-flash sa screen yung pangalan at picture ni Julie.

Elmo : Hello?

Julie : Elmo. Thank you sa araw na toh ah. Pahinga ka na baka magkasakit ka pa. Sige yun lang. Bye!

Elmo : Ju-lie…

Agad na binaba ni Julie yung phone.

Elmo : I love you…

*to be continue :)

17th May 2012

Post

Birthday NILA! :D

HAPPY BIRTHDAY NAMAN KAY JULIE DI BA? HAHA AT HAPPY BIRTHDAY DIN SA DADDY KO! HAHA BATI NA LANG KAHIT PAREHAS NILANG HINDI NARIRINIG :D

17th May 2012

Post

The Story Of US 9. “Tara date tayo!”

Tapos na ang holidays. Back to normal na naman. Maagang pasok. Buti na lang ngayon biglang announce ang principal nila na walang pasok.

Maagang pumunta si Elmo sa bahay nila Julie.

Elmo : Pano ba. Ahmmm…

Kausap ni Elmo ang sarili habang nasa labas ng gate ng bahay nila Julie.

Elmo : Ah Julie pwede ba kitang mayayang lumabas ngayon? Ay mali! Parang tanga! Ano ba…

Lakad dito lakad doon. Ngiti dito ngiti doon.

Elmo : Julie pwede ka ba ngayon? Tara labas tayo? Pwede ka ba?

Biglang lumabas si Julie nung mapansin nyang nasa labas si Elmo.

Julie : Elmo?

Nagulat si Elmo sa pagsalita ni Julie.

Elmo : Tara date tayo!

Julie : Ha?

Elmo : Ay nako po! Ah Julie kanina pa ba dyan?

Julie : Hindi naman sakto lang. Ginagawa mo dito?

Elmo : Ah wala. Yayayain sana kita eh.

Sinasabunot bunutan ni Elmo yung buhok nya.

Julie : Yayayain? San naman?

Elmo : Lumabas?

Julie : San naman tayo pupunta?

Elmo : Kahit san?

Biglang lumabas si Jake.

Jake : Ano yan date?

Elmo : Ha? Ah eh parang ganun na nga. Pero hindi… Pero parang oo na din…

Julie/Jake : Ha?

Elmo : Ah basta! Ano Julie pwede ka ba? O may pupuntahan ka? Osige sa ibang araw na nga lang…

Aalis na dapat si Elmo pero biglang hinawakan ni Julie yung braso nya.

Julie : Sige hintayin mo na lang ako dun sa loob okay?

Biglang ngumiti si Elmo.

After 15 minutes lumabas na din ng kwarto si Julie. Simple lang ang suot nya, orange tshirt saka pants.

Julie : Tara?

Elmo : Tara!

Lumabas kagad si Elmo at Julie. Pumunta sila sa park naglakad lakad.

Elmo : Julie kelan mo ba ako sasagutin?

Ngumingiti ngiti lang si Julie habang si Elmo di naman makatingin sa kanya.

Elmo : Julie?

Julie : Ano?

Elmo : Wala. Parang di mo naman ata ako pinapansin eh.

Julie : Alam mo ang gulo mo talaga…

Nauna nang naglakad si Julie.

Elmo : Anong ako? Ikaw kaya tong magulo!

Hinabol ni Elmo si Julie.

Madalas na lumabas si Elmo at Julie. Kakain sa labas.

Magpipicnic.

Tuturuan mag skate board.

Tatambay sa labas ng bahay nila Julie.

O kaya papasyal sa park.

Ngayon walang date sila Julie hindi kasi kaya ng schedule ni Elmo, training nya ng basketball buong araw. Malapit na rin kasi ang laban nila sa ibang school at kung papalarin makapasok sana sa championship.

Maaga pumunta si Yassi at Lauren sa bahay ni Julie.

Julie : Oh bat pumunta kayo dito?

Yassi : Ah so ayaw mo kami na puntahan ka? Osige aalis na lang pala kami.

Julie : Oy ito naman nagtanong lang yung tao eh.

Lauren : Ay nako tara na nga sa loob.

Julie : Tara.

Pumasok na silang tatlo sa loob sakto namang paalis na si Jake.

Julie : Oh kuya? San ka pupunta? 

Jake : Ah may lakad kasi kami ni Bea.

Julie : Alam ba nila Mommy?

Jake : Oo. Pero hindi nila alam na sya ang kasama ko, kaya Julie ikaw na bahala ah? Wag mo na lang sabihin na sya ang kasama ko. Hmmm… Palusot na lang na sila Derrick ang kasama ko.

Wagas na ngumiti si Jake with matching taas baba ng kilay.

Julie : Hay nako! Sige kuya! Ako bahala! Ingat kayo.

Jake : Sige thank you Julie. Sige girls ingat kayo dito ha may food dyan sa ref if ever na magutom kayo o kaya paluto na lang kayo kay manang.

Yassi : Sige! Enjoy sa date!

Lauren : Ingat!

Bumeso si Jake kay Julie saka lumabas.

Julie : Kuya yung time mo ha don’t forget!

Sumigaw si Jake galing sa labas.

Jake : OPO!

Nung makita nila Julie na umalis na yung kotse ni Jake saka sya nagayang umakyat sa kwarto nya.

Julie : Manang paakyat na lang po ng mga cookies sa kwarto ko ah?

Manang : Osige Julie.

Julie : Thank you manang.

Sa kwarto ni Julie…

Julie : So ano meron bat kayo napapunta dito?

Yassi : Eh nanghingi ng favor ng boyfriend mo eh!

Julie : Ha?

Yassi : Ay este future boyfriend pala! Haha.

Julie : You mean pinapunta kayo ni Elmo dito?

Lauren : Yep!

Kumuha ng cookies si Lauren sabay kain.

Lauren : Para daw di ka malungkot ngayon kasi wala kayong date.

Julie : Sira talaga yung mokong na yun!

Lauren : Pero best kelan mo ba balak sagutin yun? Imagine mo magiisang buwan simula nung niligawan ka ni Elmo.

Ngumiti si Julie.

Yassi : Oo malalaman natin ang date na yan sa mga ngiti mo.

Julie : Sira! Hindi ko pa nga alam eh.

Yassi : Nga pala malapit na ang JS Prom ah. Niyaya ka na ba nya?

Umiling iling si Julie habang kumakain ng cookies.

Julie : Saka hindi ko naman alam kung papayagan ako ulit ngayon nila Mommy.

Lauren : Hay nako! Here we go again!

Yassi : Bakit?

Lauren : Nako Yass! Last year kaya hindi sumama yan.

Julie : Eh ako rin naman ang may gusto nun!

Lauren : Asus! Ang sabihin mo hindi ka lang kasi pinayagan ng Mom mo!

Yassi : What? But Julie highschool na tayo! Bakit pati yun?

Lauren : Ganon ka concervative ang parents ni Julie! Ay este yung bruhildang nanay lang pala nya!

Pabirong hinampas sa braso ni Julie si Lauren.

Julie : Sira ka talaga best!

Tawa naman ng tawa si Lauren dahil sa sinabi nya tungkol sa nanay ni Julie.

Lauren : Pero best don’t worry ipapaalam kita! At pipilitin namin ni Kuya mo yan! Haha. Manalig ka lang!

Julie : Sira.

Nagkwentuhan si Yassi at Lauren habang si Julie nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto nya iniisip yung tanong ni Lauren at Yassi.

Julie’s POV

Oo nga kelan ko ba sasagutin si Elmo? Pero simula nung nagtanong sya nung unang beses na lumabas kami hindi na sya ulit nagtanong. Lagi naman nyang sinasabi pag hinahatid na nya ko pauwi. “Julie, masaya ako kasi nakasama kita ngayon. Basta makasama lang kita okay na ko. Masaya na ako.” Haist! Magalona kelan ka ba kasi magtatanong ulit?

Tinapik ni Lauren si Julie sa braso.

Lauren : Best? Okay ka lang?

Pakaway kaway si Lauren.

Julie : Ha? Ah. Oo… Oo…

Lauren : Iniisip mo?

Julie : Wala. Tara na nga manood na lang tayo ng movie.

Yassi : Ay tara game! Bet ko yan! Dapat horror na lang.

Lauren : Yas? Pwede ba love story na lang?

Yassi : Huwat?! Osige pero pag pangit yan horror ha!

Tumatawa na lang si Julie habang kinukuha yung mga DVD sa mini cabinet.

Nanood sila ng movie. Yun nga lang love story, nakatulog tuloy si Yassi, si Lauren naman panay punas ng luha nya. Si Julie malalim ang iniisip.

*itutuloy :)

CTTO po pala sa mga pictures na ginamit ko! :D

Happy Birthday kay Julie Anne San Jose! :D At sa aking Pudra! HAHA Happy Birthday sa kanila! :)

17th May 2012

Post reblogged from J. M. G. M. ^_^ with 14 notes

Scotch Tape

skyaintmylimit:

May naalala talaga ko dito sa scotch tape na knock knock ni Ate Julie eh!Hahahah

(Can’t see the video? Click mo yung small box na white ^)

Eto oh!

Uyyyy!Haha <3

 Happy 18th birthday Ate Julie! ♥

Di pa din makaget over sa mga vids from last night!! (Globie eh~!)

Source: skyaintmylimit

16th May 2012

Post

The Story Of US 8. “Happy Together” Part 2

Nakatambay sila sa garden. Tinitignan yung mga fireworks sa langit.

Yassi : Wow! Buti pa dito sa village nyo pasko pa lang may ganyan na…

Lauren : Syempre! Yaman ba naman ng may ari ng lugar na toh eh!

Martin : Sige babe! Don’t worry.

Ngiting wagas si Martin kay Lauren.

Lauren : At baket?

Martin : Dahil pag kinasal tayo di lang pasko tayo magpa fireworks kahit pa everyday!

Lauren : At sino nagsabi sayong ikaw ang papakasalan ko?

Martin : Huh? Kaya mo nga ako sinagot di ba? Kasi ako na makakatuluyan mo?

Lauren : In your dreams!

Sabay takbo si Lauren sa loob ng bahay hinabol naman sya ni Martin habang tawa ng tawa sila Elmo sa kanila. Lumabas naman si Jake saka lumapit kay Elmo at bumulong.

Jake : Elmo?

Elmo : Oh.

Jake : Pwede ba kitang makausa saglit?

Elmo : Ah osige. Ah Julie pasok lang ako saglit sa loob ah.

Julie : Oh bakit?

Elmo : Wala may kukunin lang.

Julie : Osige.

Naunang pumasok si Jake saka naman sumunod si Elmo. Nagusap sila sa loob.

Elmo : Ano yun?

Jake : Elmo nililigawan mo ba kapatid?

Elmo : Ah. Oo. Bakit bawal ba?

Jake : Hindi naman. Pero Elmo kilala kita. Sa oras na lokohin mo kapatid ko tandaan mo itong kamao—-

Pinakita ni Jake kay Elmo yung kamao nya.

Elmo : I know Jake. Don’t worry. I wont hurt her trust me. Ewan ko ba, siguro mahal ko na nga talaga yang kapatid mo eh.

Ngumiti lang si Jake kay Elmo.

Elmo : Saka swerte ko na nga sa kanya eh! Imagine mo parang full package na!

Sabay na tumawa si Elmo at Jake.

Elmo : Saka gusto nyo lagi kong alam na MAS macho sya kesa sakin!

Nagtawanan ulit si Elmo at Jake.

Jake : Pero Elmo, ikaw na bahala sa kapatid ko ah.

Tumango lang si Elmo.

Jake : Sige na baka namimiss ka na nun.

Elmo : Sige.

Lumabas na si Elmo saka tumabi kay Julie.

Elmo : So kamusta na ang fireworks?

Julie : Oh? Dyan ka na pala? O asan na yung kukunin mo?

Elmo : Ha? Ah? Eh nasa bag.

Julie : Ano ba yun?

Elmo : Wala yung phone ko lang.

Julie : Ah.

Tinitigan ni Julie si Elmo saka ngumiti.

Elmo : Oh baka naman matunaw na ako nyan. Bakit ano bang meron? Nagwagwapuhan ka sakin noh?

Kinurot ni Julie yung ilong ni Elmo.

Julie : Ang kapaaaaal!!!

Elmo : Ah-aaa-araaay!

Nakahawak si Elmo sa ilong nya na kinurot ni Julie.

Julie : Masakit?

Hindi sumasagot si Elmo.

Julie : Uy? San masakit? Like kiss ko. Saan?

Pasimpleng ngumiti si Elmo saka humarap kay Julie.

Elmo : Dito oh.

Julie : Saan? Dito?

Elmo : Yaan.

Julie : Ah dyan. Osige. Pikit ka muna.

Elmo : Ha? Bakit? Ikikiss mo lang naman di ba?

Julie : Eh syempre para makapagconcentrate ako.

Elmo : Kelangan pa ba yun?

Julie : Ano ba? Ayaw mo ata eh. Osige wag na nga lang.

Elmo : Ah hindi joke lang! Eto na pipikit na!

Kagad pumikit si Elmo si Julie naman nagpipigil ng tawa sabay kurot sa magkabilang pisngi ni Elmo.

Elmo : ARAAAAAAAAY!!!

Julie : Kala mo ha!

Elmo : Ang daya naman eh!

Julie : Madaya ka dyan!

Elmo : Pasalamat ka mahal kita!

Julie : Edi thank you!

Elmo : Tss!

Tumitig ng matagal si Elmo kay Julie saka kinuha yung dalawang kamay nya.

Julie : Oh bakit? May dumi ba ko sa mukha?

Nakangiting umiling iling si Elmo.

Julie : Eh bakit ganyan ka pala tumingin?

Elmo : Wala lang. Ang ganda mo kasi.

Julie : Sus! Ewan ko sayo!

Elmo : No Julie. I’m serious. Ngayon ko lang narealize, ang swerte ko pala.

Julie : Swerte? Bakit naman? Ano ko lotto? Nanalo ka?

Elmo : Parang ganun na nga? Pero hindi eh, swerte ko kasi nasa tabi kita ngayon.

Pabirong sinampal ni Julie si Elmo para di halatang kinikilig na sya sa mga titig ni Elmo.

Julie : Wushu! Ewan ko sayo. Alam mo antok lang yan.

Elmo : Kung antok lang toh, edi ayaw ko na pa lang matulog.

Ngumiti ng wagas si Elmo na medyo natawa naman si Julie.

Elmo : Julie…

Julie : Yes?

Elmo : Basta kasama kita, masaya na ko.

Julie : Ako din.

Niyakap ni Elmo si Julie.

Elmo : Merry Christmas.

Julie : Merry Christmas din.

Sa kabilang side.

Yassi : Ang sweet nila nuh.

Mark :  Pero hindi pa sila.

Yassi : Yun nga lang.

Mark : Baka maging magulo lahat…

Napakunot noo si Yassi.

Yassi : Bakit?

Mark : Yas, sa tingin mo? Sa loob ng 3 years? Okay na ba si Jenny?

Yassi : Crap! Wag na sana syang bumalik pa! After what she did to Elmo.

Mark : I know. Pero dahil dun, nakita naman natin kung pano natutong magmahal talaga si Elmo. Yun nga lang nasaktan.

Yassi : Akala ko nga puppy love lang yun. Pero iba pala magseryoso si Elmo.

Mark : Tama, pero imposibleng mangyari ulit yun. Iba si Julie kay Jenny.

Yassi : Ay nako! Change topic! I don’t want to talk about that crazy girl!

Mark : Sige mauna na muna ako sa loob.

Pumasok na sa loob si Mark, naiwan naman si Yassi habang nakatingin sa malayo.

Yassi’s mind

Wag ka na bumalik pa. Please lang. Hayaan mo naman maging masaya ang kaibigan namin.

1 year ago…

Elmo : Mark. Yassi…

Yassi : Elmo? Ano nangyari sayo?

Elmo : Miss ko na sya.

Yassi : Ha? Elmo 2 years na. Elmo naman! Learn how to move on! Hindi lang sya ang babae sa mundo!

Elmo : But I love her!

Iyak ng iyak si Elmo sa harap ni Yassi at Mark.

Mark : Tara na Moe hatid ka na namin pauwi.

Elmo : Ayoko! Dito lang ako. Hihintayin ko sya dito.

Yassi : Elmo! Hindi na babalik si Jenny! Hindi ka na babalikan nun!

Paminsan minsan naaalala ni Elmo si Jenny kaya para syang bata na bigla na lang iiyak. After 1 year na umalis si Jenny naging babaero si Elmo sa school nila pero ni isa wala man lang syang sineryoso. Pagkatapos nun naging tahimik na si Elmo, bihira na lang kung makisali sa usapan sa klase, sa grupo. Pero kahit ganun ang ugali nya madami pa din ang babaeng nagkakagusto sa kanya.

End…


Yassi : 3 years na nga talaga yung lumipas.

Kris : Anong 3 years na ang lumipas?

Yassi : Ha? Ah wala.

Kris : Ha? Pwede ba yun? Ano nga meron sa 3 years?

Yassi : Wala nga. Sige na nga maiwan na nga kita. Bye.

Tumakbo papasok sa loob si Yassi. Naiwan naman si Kris na nagiisip kung anong meron dun sa 3 years na narinig nya kay Yassi.

16th May 2012

Post

The Story of US. 8 - “Happy Together”

Pabalik na ng Manila ang grupo nila Elmo galing sa resort nila Martin. Pauwi sila sakay ng mini bus na pinahatid ng Papa ni Martin.

Yassi : Oy Martin thank you ah.

Martin : Welcome! Basta next time kung gusto nyo ulit mag outing if ever sabihin nyo lang sakin, dun ko naman kayo dadalhin sa resort nung kapatid ng Dad ko.

Mark : Ikaw na ang mayaman!

Kris : Ah teka! Martin ano na nga pa lang score between you and Lo? Ahyeee!

Pang aasar ni Kris kaya naman inasar na din ng iba sila Lauren at Martin.

Lauren : Ay nako! Tigilan nyo nga kami! Eh wag kami ang tanungin nyo, yung bagong love birds yung kamustahin nyo noh!

Sabay turo ni Lauren kay Julie na nakahiga yung ulo sa balikat ni Elmo at mahimbing na natutulog.

Joyce : Naku! Wag nyo guluhin, baka nasa dreamland yan at dun na tinuloy ang date nila!

Nagtawanan naman sila habang niloloko sila Elmo at Julie na natutulog.

Yassi : Baka nga! Pero swear, bagay sila Elmo and Julie. Agree?

Joyce : Super agree!

Mark : Mukha naman ng seryoso na si Elmo sa kanya eh.

Tumingin si Mark kung nasan si Julie.

Joyce : Oo ganun din naman si Julie, mukhang may gusto rin naman sya kay Kuya ayaw lang nyang aminin.

Kris : Oo ayaw aminin, parang ikaw. Ayaw mo pang aminin na may gusto ka na din sakin!

Yassi/Mark/Lauren/Martin : Ayeee! Kayo ha!

Yassi : Oy Kris akala ko ba si Lexi ang gusto mo ha?

Kris : Ano?! Hindi noh! Dun na sya sa Derrick nya! Saka si Joyce naman talaga gusto ko eh.

Joyce : Ako ka jan! Ewan ko sayo babaero!

Sabay hampas ni Joyce ng unan kay Kris at lipat ng upuan. Sinundan naman sya ni Kris saka tumabi at nilambing sya.

Joyce : Layuan mo ko! Ihahampas ko sayo mga gamit ko!

Kris : Eh bakit ka biglang nagsungit! Parang kanina lang okay tayo eh!

Joyce : Ewan ko sayo! Dun ka na sa Lexi mo!

Kris : Asus! Nagseselos ang Joyce ko oh…

Niyayakap ni Kris si Joyce pero tinutulak sya palayo. Buong byahe nagkulitan lang silang dalawa yung iba naman sa kanila natulog na at gumising ng makarating sa mga bahay nila.

Pasko na pero mukhang hindi masaya si Julie. Wala kasi ngayon ang parents nya ang kasama lang nya para magcelebrate si Jake at yung yaya nila.

Jake : Julie tara na dito.

Pagaaya ng Kuya nya.

Julie : Sige Kuya.

Jake :  Tara na. Wag ka na magmukmok pa jan. Ilang minuto na lang pasko na oh.

11:55pm na ilang minuto bago mag Noche Buena.

Julie : Kamusta kaya yung pasko nila Mama?

Jake : As usually edi busy. Di ka pa nasanay dun.

Yaya : Ay nako. Sige na magready na kayo jan malapit na magpasko.

Inaayos ng Yaya ni Julie yung mga pagkain sa mesa, napansin naman nyang parang ang dami atang handa samantalang silang tatlo lang naman yung tao sa bahay. Ang daming platong nakaready pati mga baso.

Julie : Ya, bakit parang ang dami naman po atang platong nakalabas? Ang dami ding handa. Hindi pa naman po katapusan ah?

Medyo natatawa si Julie dahil kung maghanda ang Yaya nya parang isang barangay yung kakain.

Yaya : Eh yan ang pinahanda ng Kuya mo. Sinunod ko lang naman.

Julie : Ano naman kayang naisip ni Kuya at kung maghanda ang dami?

Lumabas si Jake galing sa kwarto bitbit yung isang plastik na puro regalo ang laman. Bago dumiretso sa dining area nilapag nya muna yung mga regalo dun sa ilalim ng Christmas tree nila.

Pumunta din sa sala si Julie at binuksan yung tv habang nanonood bigla nyang naisip yung mga kaibigan nya.

Julie : Kamusta kaya ang pasko nila ngayon? Ni hindi man lang ako tinetext o kaya tawagan. Ni wala man lang bumabati. Lalo na si Elmo! Pag yun hindi ako binati ngayon yari yun sakin!

Sumimangot si Julie kaya bigla syang inasar ni Jake.

Jake : Sige sumimangot ka lang, kaya pumapanget ka eh! Iwan ka jan ni Elmo MOE! Sige ka!

Julie : Sira ulo ka talaga Kuya!

11:59 pm segundo na lang at pasko na. Busy manood si Julie nung marinig nyang may nagdoorbell sa gate.

Julie : Grabe naman magpapasko may gala pa din sa daan? Sino naman kaya yun?

Tinitigan lang ni Julie yung gate kahit kanina pa may doorbell ng doorbell.

Jake : Julie baka pwede naman pong paki bukas yung gate di ba?

Pagbukas ng gate ni Julie nagulat sya nung bigla syang yakapin nung kanina pang nagdodoorbell.

Lauren : Hi Best! Merry Christmas!

Yassi : Julie! Merry Christmas!

Julie : Guys!

Mark : Sensya na ha ngayon lang kami dumating ang bagal kasi kumilos ng mga to eh.

Tinuro ni Mark sila Yassi at Lauren.

Kris : Oo nga! Dapat kasi kanina pa kami nandito. Ang babagal kasi eh.

Joyce : Oy hindi lang kami noh! Kayo rin kaya! Ang bagal nyo din kaya tuloy nahirapan na tayong humanap ng taxi. Ah Julie eto nga pala gift ko sayo.

Kinuha ni Julie yung gift sabay yakap kay Joyce pagkatapos pumasok na sila sa loob, pero bago pa tuluyang pumasok sa loob si Julie lumabas muna sya ng konti sa gate sinisilip kung baka may naiwan lang sa labas medyo nalungkot sya kasi walang Elmo na kasama.

Joyce : Julie? Tara na?

Isasara na sana ni Julie yung gate kaso biglang may humila sa gate para di nya tuluyang masara.

Elmo : Late na ba ko?

Hingal na hingal si Elmo habang nagsasalita. Si Martin naman nakayuko habang hinahabol yung hininga nya.

Natulala lang si Julie kay Elmo. Kitang kita nya kasing pawis na pawis si Elmo mukhang malayo ang tinakbo.

Elmo : Eto nga pala oh. Sorry ha medyo nasira na ata yung petals nung isang rose.

Hindi kinuha ni Julie yung rose instead niyakap nya si Elmo, niyakap nya ng sobrang higpit kahit pa pawis.

Julie : Akala ko wala ka.

Elmo : Pwede bang mangyari yun? Syempre hindi noh. Gusto ko kaya magcelebrate ng Christmas kasama kayo, lalo na ikaw.

Niyakap din ni Elmo si Julie pinauna naman na nya si Martin sa loob para makainom na din ng tubig.

Julie : Bakit pala nahuli kayo?

Humiwalay sa pagkakayakap si Elmo.

Elmo : Galing pa po kasi kami dun sa flower shop tapos nung nakuha naman na namin ni Martin, nahirapan naman kaming humanap ng taxi.

Julie : Oh nakapag taxi naman pala kayo eh.

Elmo : Nakahanap nga nasiraan naman. Eh syempre ayaw ko namang magpasko dun sa daan nuh kaya hinatak ko na si Martin saka tumakbo na lang kami papunta dito.

Napangiti si Julie sa effort ni Elmo.

Julie : Ikaw na matibay!

Elmo : Ako pa! Basta ikaw!

Julie : Ewan ko sayo. Tara na nga sa loob.

Pumasok na sila sa loob ng bahay nila Julie at nagcelebrate ng pasko. 

Sa loob ng bahay…

Jake : Elmo, Julie. Kumain na muna nga kayo.

Elmo : Sige Kuya.

Jake : Sus! Kung maka Kuya naman! Jake na lang.

Ngumiti lang si Elmo bilang sagot kay Jake.

Jake : Sige na, pumunta na kayo sa mesa para kumain.

Tumayo si Julie sumunod naman si Elmo. Umupo si Jake sa couch saka nagsimulang kumain.

Julie : May hinihintay ka Kuya?

Jake : Ah… Ano… Si ano…

Julie : Sino? Si Bea na naman?

Jake : Julie…

Julie : Sige na Kuya. Don’t worry. Okay na ako sa kanya. Kung talaga namang sya ang mahal mo di ba? Why not? Basta Kuya… Don’t forget the deals!

Jake : Yes ma’am! Ikaw din dyan kay Elmo!

Tinuloy na ni Jake yung pagkain nya. Si Julie at Elmo naman tumuloy kung nasan yung iba saka kumain na din.

Habang kumakain panay tanong naman si Julie.

Julie : Buti pala guys pinayagan kayo dito na magpasko?

Martin : Ako okay naman sila Dad saka ngayon lang naman eh.

Lauren : Me too. Saka ikaw pa! Sabihin ko pa lang ang name mo papayag na agad si Mom!

Julie : Sige na Best! Ako na malakas kay Tita. Eh ikaw Kris? Yassi? Mark?

Yassi : Home alone.

Ngumiti si Yassi saka namang napakunot noo si Julie.

Yassi : Wala si Mom at Dad. And si Manang lang ang kasama ko sa bahay so para maiba pinauwi ko muna sya sa kanila para dun sya magpasko.

Julie : Ah.

Lumingon si Julie kay Kris.

Kris : Ah ako.

Binaba ni Kris yung plato nya.

Kris : Loner din ako sa bahay! Saka pag Christmas madalas naman talaga ako kila Mark.

Mark : Wala sila Ate kaya ayon pinayagan kami ni Kris dito.

Pagkatapos nila magpaliwanag kay Julie agad namang nagsalita si Elmo.

Elmo : So lahat talaga kelangan magpaliwanag?

Nakangiti lang si Elmo habang nakatingin lang si Julie sa kanya.

Julie : Eh ikaw Mister?

Elmo : Ah ako? Simple lang kasi gusto kita makasama this Christmas.

Wagas na ngumiti si Elmo pero sa sagot nya halatang hindi satisfy si Julie.

Elmo : Saka wala naman sa bahay si Tita dun nagpasko kila Lolo with Joyce’s parents syempre.

Tinuloy lang ni Julie yung pagkain nya.

Elmo : Bakit? Ayaw mo ba ko kasama ngayon?

Sad face si Elmo.

Joyce : Naku! Ja kung alam mo lang kung anong kalokohan ang ginawa nyan sa bahay nila para lang payagan sya ni Tita!

Elmo : Uy! Joyce!

Biglang napangiti si Julie.

Julie : Bakit Joyce? Ano bang kalokohan ang ginawa ng mokong na toh?

Elmo : Oy!

Joyce : Simple lang! Magpanggap daw bang masakit ang buong katawan nya! Tapos nung nakaalis na sila Mama bigla nyang tinext si Tita na okay na daw sya at dito na lang sya magpapasko. Buti na nga lang at malapit na sila dun sa vacay house kundi baka balikan pa kami at isama dun!

Napayuko na lang si Elmo sa mga kwento ni Joyce. Kinurot naman ni Julie yung ilong ni Elmo.

Julie : Ikaw talaga puro kalokohan!

Elmo : Okay lang! Pero ang tong nararamdaman ko sayo hindi na kalokohan…

Natahimik silang lahat. Tinuloy ulit yung pagkain nila. Si Elmo naman nakatitig lang kay Julie.

Julie : Moe? Tapusin mo na kaya yang kinakain mo di ba?

Elmo : Ah oo nga pala.

After nila kumain lumabas muna sila sa garden nila Julie para magpahangin.

*itutuloy :)

16th May 2012

Post reblogged from Neurotransmitters Activated with 57 notes

BRIGHT YOUNG STARS

ilovejulielmo30:

http://www.stylebible.ph/style-star/bright-young-stars/

Please vote for Julie! 

Click niyo muna ‘yung picture niya then i-type niyo ‘yung code sa ilalim ( walang space) Tapos vote for this look! Habol tayo! Thanks!! (:

POWER VOTE SIYA SO, KUNG HINDI KAYO BUSY! MAS MABUTI NG IGUGOL ANG ORAS DITO! PARA DIN BUKOD SA PAGTRE-TREND MAY GAWIN ANG MGA HINDI MAKAKAPUNTA SA CONCERT NI JULIE!!!

Source: ilovejulielmo30

10th May 2012

Post with 1 note

The Story of US. 7 - “Moving Closer” Part 2

Nagkita sila Elmo malapit sa isang restaurant.

Elmo : Lo super thank you ako buti na lang andyan ka to help me.

Niyakap ni Elmo si Lauren.

Elmo : You know what.

Lauren : What?

Elmo : Thankful ako at nagkaroon ako ng kaibigang gaya mo!

Yakap pa din ni Elmo si Lauren nung biglang may humila sa kanya sa likod sabay sapak sa mukha nya kaya napaupo sya sa sahig.

Martin : G*go ka brad! I thought you were my FRIEND but I guess I was wrong!

Sabay hila ni Martin kay Elmo para suntukin ulit pero pag tayo na pag tayo agad na sumuntok si Elmo.

Lauren : Martin! Elmo! Tama na!

Elmo : Pare ano bang sinasabi mo?!

Martin : Pare bakit si Lauren pa? Alam mo namang mahal ko sya di ba?

Lauren : Martin let me explain!

Martin : Explain?! Para san! Lo hindi ako bulag!

Elmo : Pare nagkakamali ka okay! Maling mali!

Martin : Maling mali?! Sa tingin mo ano yung nakita ko? Pare di ako bulag!

Sinugod ni Martin si Elmo sabay suntok ulit, nagsuntukan lang silang dalawa. Si Lauren tinawag naman si Kris at Mark para awatin yung dalawa.

After mahimasmasan hinayaan silang tatlo na mag usap sa kwarto.

Martin : Sh*t! Ano ba tong nagawa ko! Pare sorry!

Hiyang hiya si Martin na niyakap si Elmo.

Elmo : Okay lang pare. Sorry din.

Lumapit si Martin kay Lauren.

Martin : Lo? Sorry na please?

Lauren : Bahala ka jan.

Martin : Eh alam mo naman kasing love na love kita eh. Pero sige kung talagang may iba kang gusto at hindi ako. Okay. Hindi na ako makikialam.

Lauren : Sus! Ang dami mong satsat!

Sabay kiss ni Lauren sa magkabilang cheeks ni Martin. Tulala naman si Martin sa ginawa nya, nakatingin lang sa kanila si Elmo.

Lauren : Oh tara Moe, ayusin na natin yung plano.

Elmo : Good idea!

Lumabas na silang dalawa at naiwan si Martin sa loob ng kwarto at hawak yung magkabilang cheeks nya.

Pagsapit ng gabi nagready na si Elmo at Lauren, tinulungan na din sila nila Martin, Kris at Mark.

Pumasok si Lauren sa kwarto nila sabay lapit kay Julie.

Lauren : Best! Lika saglit.

Julie : Bakit?

Lauren : Basta!

Paglapit ni Julie agad syang piniringan ni Lauren.

Julie : Best? Ano meron?

Lauren : Basta! Sunod ka lang sakin.

Julie : Ano bang pakulo toh? Joyce? Yassi? May alam ba kayo tungkol dito?

Yassi : Malay. Ano bang meron Lo?

Joyce : Wala.

Sumenyas si Lauren para lumabas sila Joyce at Yassi para sila Mark at Kris na lang yung magpaliwanag sa kanila.

Paglabas sa kwarto dinala ni Lauren si Julie sa beach saka iniwan.

Lauren : Best stay there lang! Don’t silip silip okay? Sige ka.

Julie : Best? Ano bang meron?

Hindi alam ni Julie wala na pala si Lauren sa tabi nya, nagulat na lang sya nung biglang may humawak sa kamay nya.

Julie : Sino ka? Lauren?

Hindi sumasagot yung kausap nya.

Julie : Huy? Pipi ka ba? Are you deaf? Magsalita ka naman oh! Isa tatanggalin ko tong scarf!

Guy : Japs? Pwede kahit sandali lang manahimik ka muna?

Kinabahan si Julie.

Julie : E-E-Elmo?

Elmo : Ako nga. Sino pa ba?

Julie : Ano bang meron?

Elmo : Basta! Oh teka…

Inalalayan ni Elmo si Julie para sumakay sa bangka. Hindi pa rin alam ni Julie kung nasan sila.

Julie : Uy Moe? Asan ba tayo?

Elmo : Easy ka lang. Okay?

Matapos ang ilang minuto.

Elmo : Sige Japs, tanggalin mo na yung blindfold mo.

Pagkatanggal ni Julie sa panyo medyo natakot sya, nasa dagat kasi sila at medyo malayo sa pampang.

Julie : Ginagawa natin dito?

Elmo : Hindi ba halata? Edi nagbabangka.

Napabungisngis si Elmo.

Julie : Moe hindi nga. Walang biro anong meron?

Huminga ng malalim si Elmo tapos ay nagsalita.

Elmo : Wala gusto lang kita isurprise. Ayaw mo ba?

Julie : Ah. Hindi naman. Nagulat lang kasi ako.

Ngumiti si Elmo. Napatingin naman si Julie sa tshirt ni Elmo.

Elmo : Problema?

Julie : Wala, naalala ko lang kasi si Superman.

Elmo : Superman?

Julie : Oo.

Elmo : Anong meron sa kanya?

Julie : Wala, sweet.

Elmo : Bakit?

Julie : Kasi lagi syang nagbibigay ng rose sakin.

Elmo : Ah. So nameet mo na pala sya?

Umiling si Julie saka naman ngumiti si Elmo.

Elmo : Julie? Pano kung sabihin ko sayong kilala ko si Superman?

Agad na napatingin si Julie kay Elmo.

Julie : Talaga?! Sino sya?! Kilala ko sya?!

Elmo : Oo. Kilalang kilala mo sya. Actually kasama mo nga sya ngayon eh.

Parang tanga si Julie na sinilip silip yung likod ni Elmo baka sakaling may tao sa likod nya at si Superman na yon.

Elmo : Ginagawa mo?

Julie : Hinahanap ko si Superman!

Elmo : Julie. Wala si Superman sa likod ko okay?

Napatitig si Julie kay Elmo.

Julie : Teka! You mean ikaw si…

Elmo : Mismo. I’m the one and only Superman.

Ngumiti si Elmo.

Julie : Pero bakit? Para saan?

Bago sumagot si Elmo binigay nya yung isang bouquet of white rose na may tatlong pirasong orange rose sa gitna.

Elmo : Gusto kong ligawan ka.

Julie : Elmo?

Elmo : Julie seryoso ako. Promise! Actually matagal ko na din naman gusto itanong sayo toh. Kaso lang nahihiya ako. And baka mamaya wala pala akong chance.

Julie : Hindi mo naman malalaman kung hindi mo itatry di ba?

Elmo : Oo. Kaya nga eto oh. Eto na. Ginawa ko na.

Ngumiti lang si Julie kay Elmo.

Julie : Kantahan mo muna ako!

Elmo : WHAT?!

Julie : Bingi? Sabi ko kantahan mo muna ako.

Elmo : Ee… Di maganda boses ko.

Julie : Okay lang.

Elmo : Naman ih! Di ba pwedeng iba na lang?

Julie : Osige sumayaw ka!

Elmo : Naku baka matumba tong bangka?

Julie : Osige. Wag na lang pala.

Elmo : Ah hindi joke lang! Sige eto… Kakanta na!

Kumanta si Elmo. Yun nga lang karamihan rap. Pagkatapos nagkwentuhan naman silang dalawa tungkol sa mga bagay na madalas nilang gawin.

Julie : Tara Moe, balik na tayo dun.

Elmo : Sige.

Ngumiti si Elmo saka nagsagwan na ulit pabalik sa pampang.

Pagbaba ni Elmo inalalayan nya kagad si Julie at hanggang sa pagbaba ni Julie hindi na bumitaw si Elmo sa kamay nya.

Yassi : Oy ang sweet nyo. Ano na? Kayo na ba?

Pangaasar ni Yassi sa dalawa. Si Elmo naman ngumingiti ngiti na lang.

Pagkatapos nun ay nag dinner na sila ng sabay sabay.

itutuloy :)

6th May 2012

Post

The Story of US. 7 - “Moving Closer” Part 1

Naglalakad si Julie sa hallway ng school nila ng makaramdam sya ng hindi maganda. Kinikilabutan si Julie. Tatakbo na sana sya ng biglang…

Martin : SAK!

Julie : Asar! Talo na naman ako!

Nagtawanan naman sila Yassi at Mark. Kanina pa kasi sila naglalaro at lagi na lang talo si Julie.

Elmo : Hi guys! Ginagawa nyo?

Mark : Wala naman, naglalaro lang ng boom sak! Ang tagal nyo kasi eh. Si Lauren at Joyce? Kasama mo ba?

Elmo : Hindi. Wala pa sila dito?

Julie : Bakit mukha ba silang andito na?

Kris/Mark : Booom! Baka nabara ni Julie!

Elmo : Ha-Ha. Nakakatuwa.

Kris/Mark : Oh? Ang bilis ata mainis ngayon ni Mr. Sportfest?

Elmo : Tae lang bro! Tantanan nyo muna ako.

Umalis si Elmo at pumunta sa canteen sinundan naman sya ni Julie.

Julie : Drama mo?

Elmo : Inaaway mo kasi ako.

Julie : Alululu. Yun kagad?

Umupo si Elmo sa bench tumabi naman sa kanya si Julie.

Elmo : Oo.

Julie : Bakit nga?

Ngumiti si Elmo sa kanya saka hinawakan yung kamay nya. Kinabahan si Julie kaya bigla nyang inilayo yung kamay nya kay Elmo.

Julie : Tara na Moe.

Agad tumayo si Julie, babalik na dapat sya kaso bigla hinila sya ni Elmo pabalik sa kinauupuan nya.

Julie : Ah, so gusto mo umupo na lang tayo magadamag?

Elmo : Kung pwede nga lang eh.

Julie : Ewan ko sayo.

Ngumiti silang dalawa. Tumitig si Elmo kay Julie at pinikit naman nya yung mga mata nya.

Pumunta sila sa isang resort na pag mamay-ari ng pamilya ni Martin. Pagdating sa resort kanya kanyang pasok naman sila sa kwartong tutulugan nila.

Boy’s room

Busy magharutan sila Kris, Mark at Martin habang tutok na tutok si Elmo sa cellphone nya.

Pinalo ng pabiro ni Martin yung braso ni Elmo.

Martin : Huy Moe! Ano bang meron jan sa cellphone mo at tutok na tutok ka? Ingat ka baka matunaw yan.

Pagbibiro ni Martin, tinawanan lang sya ni Elmo dahil sa ka O.A-an ng sinabi nya.

Martin : Oh bakit ka tumatawa jan?

Elmo : Wala ang OA mo kasi!

Sabay bato ng unan kay Martin.

Nagkulitan lang ng nagkulitan ang mga lalaki sa kwarto nila habang sa kwarto naman nila Lauren.

Girl’s room

Busy mag usap sila Joyce, Yassi at Julie tungkol sa kukunin nila para sa college. Napansin ni Julie yung pag ngiti ngiti ni Lauren habang nakatingin sa cellphone.

Julie : Best may ipis!

Bigla silang napatayo sa kama habang nakatingin sa sahig at naghahanap ng ipis habang si Julie naman tawa ng tawa.

Julie : HAHA!

Binatukan ni Lauren si Julie.

Lauren : Sira ulo ka talaga best!

Julie : Eh kasi naman eh yung ngiti mo habang nakatingin sa cellphone mo, nakaka curious lang.

Wagas na ngiti si Julie.

Julie : Sino ba yang katxt mo? Ha?

Lauren : Wala.

Julie : Asus! Di nga? Tignan mo oh madededo na ata yan empty bat na uy!

Lauren : Oo alam ko.

Wagas na ngumiti si Lauren kay Julie, bigla namang hinablot ni Julie yung phone.

Julie : Gotcha!

Lauren : Uy Best wag!

Pagtingin ni Julie sa phone.

Julie : Eff! Low bat?! Tss! Charge mo na nga!

Sabay hagis ng phone kay Lauren.

Lauren : Wew! Muntikan na yun ah.

Dinner time na at sabay sabay silang kumain. Habang kumakain ay panay text si Elmo at Lauren. Si Elmo seryosong seryoso, si Lauren naman kung ngumiti kilig na kilig.

Martin : Uy Babe! Sino ba yang katext mo? Pwede ba unahin mo muna pagkain mo magkakasakit ka nyan.

Paglalambing ni Martin kay Lauren kaya naman inasar silang dalawa ng mga kasama nila.

Lauren : Babe ka jan! Wag ka magulo. Boyfriend ko katext ko, okay?

Biglang inubo si Elmo habang kumakain. Napatayo naman si Martin sa sinabi ni Lauren.

Martin : Ano?! Boyfriend?! Sino yan?! Ha?

Lauren: Oo boyfriend ko. Bakit may angal ka?

Martin : Sino ba yan!? Ipakilala mo nga sakin ng maupakan ko!

Julie : Best? Boyfriend? Sino yan? Bakit hindi ko kilala?

Yassi : Ang daya naman oh! Bakit hindi ka nagkwekwento samin?!

Kris : Nako mukhang may giyera dito ah! Sugoooooooooooooodddd!!!

Sabay kuha si Kris ng ulam habang nag uusap usap sila Lauren, Martin at Julie. Si Joyce at Mark naman hinahagod yung likod ni Elmo dahil muntik ng mabilaukan.

Habang hinahagod ni Joyce yung likod ni Elmo.

Joyce : Nako! Patay pala kay Martin yung boyfriend ni Lauren!

Inubo ulit si Elmo.

Joyce : Oh kuya dahan dahan lang kasi.

Si Kris naman, kain lang ng kain habang nagkakagulo na yung iba.

Pagkatapos nila maghapunan lumabas si Lauren ng kwarto nila saka dumiretso sa restroom.

Lauren : Oh ano Moe? Okay ka na ba?

Elmo : Oo. Okay na ako.

Lauren : Eh si Martin naman kasi ang kulit eh! Si Julie pa muntik pang makita yung mga text mo sakin.

Elmo : Basta next time. Careful na lang.

Ngumiti si Elmo saka may inabot kay Lauren sabay alis at balik sa kwarto nila.

Elmo : Sige Lo thanks ulit!

Nakatingin lang si Lauren kay Elmo hanggang sa mawala na sya sa paningin nya saka bumalik na din sya sa kwarto nila.

Nag night swimming silang lahat. Nilamig si Julie kaya umupo muna sya sa upuan habang nakatingin kila Yassi. Hindi nya napansin na sinundan pala sya ni Elmo, binigay ni Elmo yung towel nya kay Julie saka tumabi sa kanya.

Elmo : Lamigin ka pala.

Julie : Di naman masyado. Sakto lang, saka magpapasko na kasi di ba.

Elmo : Yeah.

Julie : Ah sige Moe, pasok muna ako sa kwarto ah. Nilalamig na kasi talaga ako eh.

Elmo : Ah sige.

Tumayo si Julie, tumayo din si Elmo.

Julie : Sige.

Naglakad na pabalik si Julie, sumunod si Elmo sa kanya.

Julie : Oh san ka punta?

Elmo : Ah ako? Ihahatid ka sa kwarto mo.

Wagas na ngumiti si Elmo, ngumiti din si Julie. Hinatid ni Elmo si Julie hanggang sa pinto ng kwarto nila.

Julie : Sige Moe, thanks ha.

Elmo : Wala yun. Sige na, pahinga ka muna saka para di ka na masyadong lamigin.

Julie : Thank you. Ah Moe, yung towel mo pala oh.

Inabot ni Julie yung towel pero binalik ni Elmo sa kanya.

Elmo : Sige, ibalik mo na lang pag talagang okay ka na. Saka para di mo muna gamitin yung towel mo. Isa lang yun di ba? Sige balik na ako. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka.

Julie : Moe thank you.

Ngumiti lang si Elmo saka bumalik na din sa beach.

Pag upo ni Julie sa side nung kama nya napansin naman nya yung orange rose na nakalagay sa mini table na may nakasabit na blue ribbon at lettering ng pangalan nya. Kinuha ni Julie para basahin yung laman nung card.

Hope you have a sweet and lovely night.

- Superman.


Nilapag ni Julie yung rose sa unan nya at nagpalit na sya ng damit saka nagdecide na din na magpahinga.

Maaga nagising si Julie. Mahimbing ang tulog ng mga kasama nya sa kwarto may humihilik pa nga. Dahil maaga sya nagising naisip nya na lumabas muna para magpahangin. Pag bukas ng pinto ni Julie nakita nya kagad yung orange rose na nasa rug ng pinta.

Julie : Rose? Na naman? Kanino ba galing toh?

Pinulot ni Julie yung rose saka binasa yung card.

Being in love with you makes every morning worth getting up for.

Good Morning Ms. Sunshine!

- Superman.


Dahil sa nabasa ni Julie hindi nawala sa labi nya yung ngiti nya. Hindi man nya kilala kung sino yung nagbigay sa kanya nung rose. Thankful naman sya sa pinapakitang kasweet-an nung nagbigay nung rose.


Hawak ni Julie yung rose habang naglalakad sya tabing dagat.


Mark : Ja?


Agad lumingon si Julie para makita kung sino yung tumawag sa kanya.


Julie : Oh Mark. Aga mo atang nagising?

Mark : Ah eh ang ingay matulog nung mga kasama ko eh. Ikaw. Aga mo atang natulog kagabi?

Julie : Ah nalamigan kasi ako saka inantok na rin ako kagabi kaya ayun.


Napansin ni Mark yung rose na hawak ni Julie.

Mark : Oh rose? San mo nakuha?

Ngumiti si Julie bago sagutin yung tanong ni Mark.

Julie : Ah wala may nag bigay lang.

Mark : Ah. Sino naman?

Julie : Actually hindi ko rin alam eh. And wala din naman akong idea.

Napansin ni Mark yung blue ribbon.

Mark : May kasama talagang blue ribbon?

Medyo natawa si Julie.

Julie : Oo, ewan ko ba kung bakit blue ribbon.

Ngumiti lang si Mark saka nagpaalam kay Julie para bumalik na sa kwarto nila.

After magpaalam si Mark sa kanya. Napahinto si Julie sa paglalakad at tinitigan yung rose.


Julie’s mind

Sino ka nga bang Superman ka? Sino ka ba? Kilala ba kita? Close? Bakit mo ko binibigyan ng rose? Haist! Sino ka ba?…



24th April 2012

Photo reblogged from JarofHearts with 30 notes

i-amsimple:

(c) @amigafaye 

tinitignan nya yung pag bagsak ni SuperElmo hehe
nahuhulog na kasi sa kanya ee at dahil sa macho sya! sasaluhin nya yun! haha
peace! Adik lang :D

i-amsimple:

(c) @amigafaye 

tinitignan nya yung pag bagsak ni SuperElmo hehe

nahuhulog na kasi sa kanya ee at dahil sa macho sya! sasaluhin nya yun! haha

peace! Adik lang :D

Source: junlen

24th April 2012

Post

Just A Wish 2 (JULIELMO)

Nagising si Elmo dun sa kanina pang kumakatok sa pinto.

Elmo : Tae naman oh! Ang aga aga. Sino ba yan?

Binuksan ni Elmo yung pinto at nagulat sya sa nakita nya.

Julie :   Oh Moe yung favorite mong pancake.

Nakatingin lang si Elmo kay Julie habang papasok sa loob.

Julie : By the way. Good Morning.

Sabay kiss kay Elmo.

Bago pa man makalayo si Julie kay Elmo ay agad syang hinila ni Elmo pabalik sa kanya saka niyakap nya ng mahigpit si Julie.

Julie : Moe? Okay ka lang?

Elmo : Alam mo ba kung gano kitang namiss ha? Alam mo ba yun?

Julie : Moe? Huy? Okay ka lang? Kanina lang naman ako nawala ah. Ano problema? Teka may lagnat ka ba?

Umiling lang si Elmo habang yakap pa din si Julie.

Elmo : Okay na ako. Okay na ako kasi nandito ka na ulit.

Julie : Bakit? Di naman kita iiwan eh.

Elmo : Promise mo yan ha.

Julie : Opo. Osige, gutom lang yan. Kain ka na.

Humiwalay si Elmo sa pagkakayakap nya kay Julie saka pinunasan yung luha sa mata nya saka hinawakan yung dalawang kamay ni Julie.

Elmo : Sige. Basta subuan mo ko!

Julie : Bata ka talaga! Parang baby!

Elmo : Bakit? Ako lang naman baby mo di ba?

Julie : Asus! Alam mo gutom lang talaga yan!

Pagkatapos magalmusal ni Elmo ay naisip nya ayain si Julie para pumunta sa isang park.

Elmo : Ja?

Julie : Oh?

Elmo : What if…

Julie : What if ano?

Elmo : What if magpakasal na tayo?

Julie : Uh? Ewan ko sayo Moe alam mo ikaw puro ka talaga joke!

Naunang naglakad si Julie hanggang sa hinabol sya ni Elmo at hinawakan yung kamay nya.

Elmo : What if I ask you to marry me? Will you say yes?

Humarap si Julie kay Elmo.

Elmo : Julie seryoso ako. Minsan ko nang naranasan na mawala ka sakin and I don’t want to happen that again! Never!

Julie : Elmo? Ano bang pinagsasabi mo? Anong mawala? 

Elmo : Alam ko hindi mo ko maiintindihan pero ang alam ko. Ayaw kong mawala ka ulit sakin!

Kahit pa maraming tao ang nakatingin sa kanila. Hindi nahiyang lumuhod si Elmo sa harap ni Julie at nilabas yung box na may lamang singsing at binuksan nya saka tinanong si Julie.

Elmo : Julie. Sorry kung walang halong ka-chessy-an yung ginawa ko.

Ngumiti lang si Elmo.

Elmo : So Julie. Will you marry me?

Sa mga sinabi ni Elmo, hindi napigilan ni Julie ang maiyak. Kahit sya hindi rin nya alam kung anong dahilan kung bakit nga ba sya umiiyak.

Julie : Yes.

Elmo : Yes?

Tumango ng ilang beses si Julie habang pinupunasan yung luha nya.

Niyakap ni Elmo si Julie.

At ganun din naman si Julie.

Elmo : Bakit ka umiiyak?

Pinunasan ni Elmo yung luha ni Julie.

Julie : Ikaw kasi eh!

Pabirong inampas ni Julie si Elmo sa dibdib.

Elmo : I love you.

Julie : I love you too.

Sabay kiss!

After ng maghapon na yun nag aya na para umuwi si Julie. Nagpahinga sila pagkatapos ay binalita nila yun sa mga magulang nila.

Elmo’s mom : I’m so happy para sa inyong dalawa.

Elmo : Thanks mom.

Ngumiti si Elmo ganun din naman si Julie.

Julie’s dad : So kelan nyo balak magpakasal?

Tumingin si Julie kay Elmo. Ganun din naman si Elmo.

Elmo : After po ng vacay natin dito. Pag nakabalik na po tayo ng Manila then Julie and I.

Ngumiti si Elmo saka tinapos naman ni Julie yung sinabi ni Elmo.

Julie : Paguusapan po namin.

Julie’s mom : Pero sa church? May plano na ba kayo?

Sabay na umiling si Elmo at Julie.

Elmo : Pero don’t worry po. Promise naman po namin ni Ja we’ll inform you about our plans eh. From the church to the reception. And siguro po mga after 2 months? Pwede na po ba yun?

Julie’s mom : As long as happy kayo. And kung talagang alam nyong kayo na talga para sa isa’t isa. Then okay. Elmo, don’t worry. Boto naman kami sayo ng Tito mo for Ja eh.

Ngumiti ulit si Elmo.

Elmo : Thank you po. Don’t worry. Pag kinasal na po kami ni Ja.

Hinawakan ni Elmo yung mga kamay ni Julie.

Elmo : Promise ko po. Hindi ko sya pababayaan.

Elmo’s mom : That’s my boy!

Sabay gulo sa buhok ni Elmo.

Nagtawanan silang lahat. Nagkwentuhan kung ano yung mga plano ni Elmo for Julie.

Nasa terrace si Elmo at Julie.

Julie : Moe alam mo bang masaya ako.

Elmo : Talaga?

Pinalupot ni Elmo yung mga kamay nya sa bewang ni Julie.

Julie : Oo.

Elmo : Mas lalo naman ako.

Julie : Pag ba tumaba ako love mo pa rin ako?

Niyakap ni Elmo si Julie.

Elmo : Love na love!

Kiniss ni Julie si Elmo. From forehead, cheeks, nose to lips.

Julie : Tulog na tayo?

Elmo : Okies!

Julie : Tapos magready na din tayo kasi buka na yung festival!

Excited na sambit ni Julie habang si Elmo ngumingiti ngiti lang sa kanya.

Elmo : Oh? Tom?

Julie : Oh? Bakit? Nakalimutan mo pa?

Elmo : Ah. Nope. I just remember something.

Julie : Okay.

Naunang pumasok na sa kwarto si Julie habang si Elmo pumunta naman sa sala at lumapit sa kalendaryo.

Elmo : So bukas na din pala ang anniversary namin?

Lumabas ng bahay si Elmo at tinignan yung likod ng bahay. Doon nakita nya yung mga rose at yung mga pictures nila ni Julie.

Elmo : Yah. After ng festival. It’s the day na nawala sya sakin. Pero this time I promise na hindi ko hahayaang mangyari yun.

Nagulat si Elmo ng biglang may nagsalita sa likod nya.

Lolo : Elmo, wag mo kontrolin ang isang pangyayaring alam mong nangyari na.

Elmo : Pero ayokong mawala si Julie!

Lolo : Pero ayun ang nakatakda.

Elmo : Pero kung makakaya ko ba na baguhin ang lahat. Ang hindi mangyari ang aksidente?

Lolo : Pwedeng magkaroon isang kapalit na hindi mo inaasahan.

Elmo : Pero pwede ko ba syang mailigtas?

Ngumiti lang ang matanda kay Elmo. At  napaupo naman sya sa tabi habang sapo ng kamay nya ang ulo nya.

Elmo : Mahal ko si Julie at ayaw kong mawala sya.

Ngumiti lang ulit yung matanda. Pumasok naman na si Elmo pagkatapos nya maayos lahat. Binilin nya kay Manong na ayusin lahat.

After ng parada ay nagyaya muna si Elmo para mamasyal pa. Nagpunta sila sa kung saan saan. Hanggang sa mag aya na para umuwi si Julie.

At sa pag uwi nila. Nakita ulit ni Elmo kung ano yung reaksyon ni Julie nung unang beses na nangyari yun. Pati yung usapan nila tungkol dun sa flowe farm.

Nagdinner sila together at sabay nagpahinga.

Nakahiga si Julie sa dibdib ni Elmo. Mahimbing na natutulog si Julie habang nilalaro nya yung buhok ni Julie.

Elmo : Promise, hindi ako papayag na mawala ka ulit sakin.

Ngumiti si Elmo saka hinalikan si Julie sa ulo.

Kinaumagahan maagang nagising si Elmo dahil sa ingay ng phone nya at dahil tumatawag si Frank.

Phone Convo…

Elmo : Hello?

Frank : Moe? Gising ka na ba?

Elmo : Oo bakit?

Frank : As in gising na gising ka na?

Elmo :Oo nga. Bakit ba?

Frank : May problema dito sa studio.

Elmo : Ano?

Frank : Ang dami kelangan iedit. And hindi ko kaya. Malapit na din kasi ang deadline. So okay lang ba na makaistorbo ako sa bakasyon nyo ni Ja?

Elmo : Hmmm… Kelan ba kelangan yan?

Frank : After 3 days.

Elmo : Okay. Email mo na lang sakin.

Frank : Okay! Thanks bro! Enjoy!

After tumawag ni Frank nagising na din si Julie.

Julie : Sino yun?

Elmo : Frank. lang po. Humingi ng tulong about dun sa studio.

Julie : Ah Moe mamaya ah.

Elmo : Ah. Ja? Gusto mo ngayon na tayo punta?

Julie : Ngayon?

Elmo : Oo!

Julie : Okay ka lang? Di pa nga tayo nakakapag breakfast eh.

Elmo : On the way na lang tayo magbreakfast. Ano? Game?

Julie : Sure!

Nagbihis si Elmo at Julie saka umalis. Bumili lang sila ng makakain nila at dumiretso na sa farm na gusto nilang puntahan.

Julie : Alam mo Moe, you acting so weird lately. May problema ba?

Humarap si Elmo kay Julie.

Elmo : Wala naman po. I just want to cherish every moment with you.

Julie : Asus! Osige ikaw na sweet!

Ngumiti si Julie saka naman sya niyakap ni Elmo ng mahigpit.

Elmo : Ja wag ka muna baba okay?

Julie : Oh? Bakit naman?

Tumingin si Elmo sa relo nya sa kamay.

Hapon na nung bumalik sila sa bahay ay mag 5 o’clock na din.

Elmo : Okay na. Tara.

Nagpahinga ng ilang minuto si Elmo at Julie. Nakahiga lang sa couch si Elmo at dahan dahang nakakatulog. Nagising na lang sya nung marinig yung pagsara ng pinto.

Elmo : Julie!

Agad na lumabas si Elmo at sinundan si Julie. Hanggang sa nag pang abot sila sa daan.

Julie’s POV

Nagtataka ako sa mga kinikilos ni Elmo. Para syang masyadong protective. Ewan ko kung bakit. Pero ang hilig na din nyang mas maging sweet ngayon.

Nasa daan ako papunta sa grocery nung marinig kong tinawag ako ni Elmo.

Elmo : Julie!

Julie : Moe?

Elmo : San ka punta Ja? Bakit hindi mo ako ginising?

Julie : Sa grocery lang. Bibili lang ako ng snacks.

Elmo : Osige samahan na kita.

Nakatingin lang ako kay Elmo habang patawid sya ng daan. Ang hindi namin alam may sasakyan pa lang dadaan. Sa akin lang nakatingin si Elmo hanggang sa…

Julie : ELMOOO!!!

Agad akong tumakbo kay Elmo at pinilit na wag syang hayaang pumikit. Buti na lang at tinulungan kami kagad nung nakabunggo sa kanya.

Julie : Elmo! Elmo! Wag kang pipikit okay? Tumingin ka lang sa mga mata ko! Wag kang pipikit ha!

Kahit pa nahihirapan na si Elmo. Pinilipit pa rin nyang magsalita. Kahit pa naghahabol na sya ng hininga.

Elmo : Sabi ko sayo eh. Hindi ko hahayaang mawala ka sakin ulit.

Ngumiti si Elmo sakin habang pilit tinataas ni Elmo yung isang kamay nya para punasan yung luha ko.

Julie : Ano bang pinagsasabi mo ha? Elmo kaya mo yan di ba? Wag ka magalala malapit na tayo okay? Wag kang pipikit! Wag kang matutulog!

Elmo : Ja. Mahal na mahal.

Julie : Alam ko! Kaya nga magpapakasal pa tayo di ba?

Ngumiti lang ulit sakin si Elmo sakto namang dumating na din kami sa ospital.

Agad kong tinawagan sila Mama at ang Mom ni Elmo.

After ng ilang oras lumabas na din yung doktor at kinausap kami. Sinabi kung ano na ang kalagayan ni Elmo.

Doc : Kung hindi po magigising ang pasyente within 24 hours. Dun ko na pong masasabi na comatose na po sya.

Julie : Doc di po ba magigising pa si Elmo nun! Sigurado po yun di ba?!

Doc : I’m sorry hija. I’m not sure. Kung hindi lalaban si Elmo pwedeng hindi na sya gumising. Sige po please excuse me.

Elmo’s mom : Sige doc thank you po.

Julie : Tita magigising pa si Moe di ba? Di ba Tita.

Niyakap nya si Julie habang umiiyak at ilang beses na binabanggit yung pangalan ni Elmo.

Elmo’s mom : Julie kung gusto mo dun ka muna sa labas magpahangin ka muna. Maqui sige na.

Julie : Hindi Tita. Dito lang po ako.

Maqui : Sige  na Juls.

Julie’s mom : Sige na.

Lumabas si Julie at Maqui at nagpahangin. Naglakad naman si Julie hindi nya alam kung san sya pupunta.

Buti na lang at agad syang sinundan ni Maqui.

Maqui : Ja! San mo ba balak magpunta? Halika na nga dun na tayo.

Julie : Maq! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala si Elmo.

Maqui : Friend ano ka ba?! Hindi mawawala si Elmo sayo okay?

Umiyak lang si Julie at niyakap naman sya ni Maqui.

Ilang araw na din ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Elmo. At lagi naman nasa tabi nya si Julie.

Kausap ni Julie si Elmo’ng natutulog habang nilalaro nya yung buhok nito.

Julie : Elmo. Gising ka na. Miss ko na yung nag iisang baby ko eh. Gising ka na please?

Elmo’s mom : Julie umuwi ka na muna at magpahinga. Baka naman magkasakit ka na nyan. Sige ka gusto mo bang magalit sayo si Elmo pag nagising na sya at nalamang may sakit ka?

Ngumiti si Julie at sumunod na lang din sa Mom ni Elmo.

Pag dating sa bahay ay dumiretso si Julie sa likod ng bahay. Doon nakita ni Julie yung mga natirang orange rose. Kumuha si Julie ng isa saka umupo sa isang kahot na upuan.

Julie : Miss na kita.

Lolo : Miss mo na sya?

Napatingin si Julie.

“Sino ka naman?” Tanong ni Julie sa sarili nya.

Lolo : Alam mo bang parehas kayo ng tanong nung mga oras na lumapit ako sa kanya.

Julie : Ano pong ibig nyong sabihin?

Lolo : Julie. Mahal na mahal ka ni Elmo kaya nangyari lahat toh.

Julie : Po?

Lolo : Ang totoo. Hindi naman talaga dapat sya ang nasa ospital ngayon. Dapat ikaw.

Julie : Ako?!

Turo sa sarili ni Julie at tumango naman yung matanda sa kanya.

Julie : Hindi ko po kayo maintindihan.

Ikwekwento sana nung matanda kung ano ba talaga pero biglang dumating si Maqui at mukhang may mahalagang sasabihin.

Maqui : Julie! Julie!

Julie : Oh bakit?

Maqui : Si Elmo!

Napatayo bigla si Julie.

Julie : Anong nangyari?!

Agad na pumunta sa ospital si Maqui at Julie, nakita nilang nakatayo ang Mom ni Elmo sa tapat ng emergency room.

Julie : Tita ano pong nangyari kay Moe?

Umiiyak na ang Mom ni Elmo kaya hindi sya masagot ng maayos.

Elmo’s mom : Julie. Nag flat line kanina yung heart beat ni Moe.

Julie : PO?!

Kinabahan si Julie sa sinabi ng Mom ni Elmo. Kaya agad syang pumunta sa church malapit sa ospital.

Julie : Lord. Please. Wag nyo po kukunin si Elmo. Please.

After ni Julie agad syang bumalik sa ospital at nakita nya ang parents nya si Frank na buhat si Jac at ang Mom ni Elmo. Agad na lumapit si Julie kay Elmo para haplusing yung mukha ni Moe.

Julie : Moe. Gising ka na please. Ang daming pa natin kelangan gawin. Aayusin pa natin yung wedding natin di ba?

Naluluha na si Julie. Hinawakan ni Julie yung kamay ni Elmo at naramdaman nyang gumalaw. Hindi lang basta gumalaw pinilit pa nyang itaas para punasan yung luha ni Julie.

Julie : Elmo!

Dahan dahang dumilat si Elmo. Habang si Julie agad kinuha yung kamay ni Elmo saka nilagay sa pisngi nya.

Kahit nanghihina si Elmo pinilit pa rin nyang magsalita.

Elmo : Di ba ayokong nakikita kang umiiyak.

Ngumiti si Julie kay Elmo at niyakap nya saka umiyak sya ulit.

Elmo : Alam mo ba nakausap ko sila.

Julie : Sila?

Elmo : Oo. Si Pop. Si Lolo at yung Lolo mo.

Ngumiti si Julie kay Elmo.

Julie : Sige na magpahinga ka muna. Mamaya na yang kwento mo ha?

Tinawag nila yung doktor para icheck si Elmo. Okay na ang lahat pahinga na lang ang kelangan ni Elmo.

After ng ilang araw. Medyo nagiging okay na si Elmo at bawing bawi na yung lakas nya.

Pinapakain ni Julie si Elmo.

Julie : Moe ano na nga ba ulit yung kwento mo? Nung nagising ka na. Remember?

Elmo : Ah.

Nagkwento si Elmo.

Elmo’s POV

Hindi ko alam kung nasan ako. Pero parang langit? Wala akong ibang makita kundi puro puti.

Lakad lang ako ng lakad nung may naaninag akong anino. Lumapit sakin at kinausap ako. Nung lumapit ako natuwa ako. Hindi ko naman akalain after ng ilang years. Makikita ko ulit si Pop.

Elmo : Pop?!

Elmo’s dad : Moe.

Niyakap ni Elmo ng mahigpit ang Dad nya.

Elmo’s dad : Kamusta ka na? Ang laki muna. Samantalang 7 years old ka pa lang nung iwan kita.

Elmo : Syempre po. Teka. Pop? Patay na po ba ako?

Ngumiti ang Dad ni Elmo sa kanya saka may tumapik naman sa balikat nya kaya nilingon nya.

Elmo : Teka. Kayo po yung matandang nakausap ko dati di ba?

Lolo : Ako nga.

Ngumiti ang Dad ni Elmo.

Elmo’s dad : Moe. Wag kang bastos mag mano ka.

Elmo : Bakit po? Sya po ba ang Lolo ko?

Elmo’s dad : Future Lolo mo!

Elmo : Po? Meron pa bang ganun?

Elmo’s dad : Aba! Baka gustong hindi na matuloy ang kasal nyo ni Julie.

Elmo : Ha? You mean?

Tumingin si Elmo sa matanda at gustong manigurado.

Elmo’s dad : Oo. Siya ang Lolo ni Julie.

Magmamano sana si Elmo sa matanda pero bigla syang hinila at niyakap saka bumulong.

Lolo : Anak. Sabihin mo sa apo ko. Mahal na mahal ko sya ha? Na kahit wala na ako sa tabi nila at di nakikita eh binabantayan ko naman sila.

Elmo : Pero pano ko po sasabihin sa kanya? Sa kanila? Kung patay na ako?

Umiling lang ang Dad ni Elmo at yung matanda.

Elmo’s dad : Hindi mo pa oras Moe. Gusto ko lang naming makausap. Dahil na din sa hiling mo. Buti nga pinagbigyan nya kami eh.

Sabay turo ng Dad ni Elmo sa taas.


Sa huling pagkakataon. Niyakap nila si Elmo ng mahigpit saka naramdaman ni Elmo na parang may humahatak sa kanya pababa. Hanggang sa marinig nya yung boses ni Julie umiiyak. Kaya kahit na hindi nya nakikita. Tinaas nya yung kamay nyang hawak ni Julie saka pinilit hanapin yung pisngi ni Julie.



Napangiti si Julie sa kwento ni Elmo.

Ilang buwan din ang lumipas. Ngayon ikakasal na din si Julie at Elmo.

At dahil lang sa isang hiling nabago ni Elmo lahat.

:DD Ow sha! :DD

*CTTO po sa mga ginamit kong pics! :DD

24th April 2012

Post

Just A Wish (JULIELMO)

Five years na kaming nagsasama ni Julie pero hindi pa rin kami nagpapakasal, siguro dahil parehas pa kaming hindi ready? Pero mahal ko naman si Julie kahit pa isa syang matampuhin e malambing naman.

Papunta kaming Baguio ngayon ni Julie, buwan kasi ng pebrero. Every year nandito kami isang buwan dahil sa Panagbenga Festival. Mahilig sa bulaklak si Julie kaya gusto nya andito kami para manood ng parada ng mga bulaklak. Actually this year, kasama namin yung Mama at Papa nya pati si Jac. Habang nasa Baguio naman na ang Mom ko para ayusin yung tutuluyan ng parents ni Julie.

Isa akong photographer may sariling studio kasama ko doon si Frank ang makulit at nag iisa kong kapatid na mahilig din sa camera.

Elmo : Ja? Gising ka na. Dito na tayo.

Dahan dahang minulat ni Julie yung mata nya matapos ang ilang oras na byahe namin.

Julie : Dito na tayo?

Elmo : Yep! Tara na.

Ngumiti si Julie kay Elmo, kiniss naman nya si Julie sa noo saka lumabas ng sasakyan at binaba yung mga gamit nila.

Sam : Oh Moe. Buti dumating na kayo, pinalis ko na pala yung bahay. Kayo na bahala dito ah.

Elmo : Bakit? San ka pupunta?

Sam : Sa probinsya nila Coleen, gusto nya daw kasi akong ipakilala sa mga kamag anak nya dun.

Elmo : Nice! Osige pala insan ingat ka!

Sam : Sige. Enjoy kayo.

Umalis na si Sam at pumasok naman na sa loob sila Elmo at Julie.

Elmo’s POV

Ilang araw ang lumipas na nandito kami ni Julie. Pag bored kami ay lumalabas kami para mamasyal.

Pupunta sa mga lugar na madalas naming puntahan noon. Hindi nawawala sa gusto ni Julie yung flower farm. Ewan ko ba. Sobrang adik lang talaga ni Julie sa mga bulaklak. Pero okay lang, dahil yun naman ang nagustuhan ko sa kanya eh.

Natulog ako saglit pero nagising din kagad nung narinig kong may kumakatok. Si Julie pala bumili ng breakfast namin.

Julie :  Oh Moe yung favorite mong pancake.

Elmo : Thank you Ja.

Julie : By the way. Good Morning.

Sabay kiss kay Elmo. Umakbay naman sya kay Julie habang kinakain yung pancake.

Julie : So ayaw mong umupo?

Ngumiti si Elmo saka umupo at pinaupo sa tabi nya si Julie.

Julie : Sige na kainin mo na yan.

Elmo : Eh ikaw?

Julie : Tapos na po.

Elmo : Osige subuan mo na lang ako!

Parang bata na nagpasubo si Elmo at sinubuan naman sya ni Julie.

Panagbenga Festival…


Elmo’s POV

Kung saan saan kami pumunta ni Julie habang tinitignan namin yung mga bulaklak. Syempre hindi nawawala yung ngiti ni Julie sa bawat bulaklak na nakikita nya.

Tapos na ang parade. Nagdecide kami ni Julie na umuwi na para magpahinga. Pagpasok ni Julie sa loob nagulat sya dahil sa ginawa ko.

Dinikit ko kasi sa pader yung mga picture namin together. Simula nung unang beses na pumunta kami dito na magkasama.

Bukod kasi sa mga picture eh meron ding mga orange petals na nakakalat sa sahig at ilang orange rose na nakalagay sa sala.

Lumapit ako sa kanya para tanungin sya.

Elmo : You love it?

Tumango si Julie ng ilang beses na parang bata. Hindi nga matanggal sa labi nya yung mga ngiti nya.

Niyakap ako ni Julie ng mahigpit. Syempre yumakap din ako pabalik.

Julie : Ang daya mo! Lagi mo talaga akong sinusurprise. Thank you.

Kiniss ni Julie si Elmo sa labi pero smack lang.

Elmo : Di pa tapos noh.

Inilabas ko yung isang bouquet pa ng orange rose at binigay sa kanya.

Elmo : Happy 5th Anniversary Julie.

Julie : Shocks! Sorry Moe. Nakalimutan ko.

Biglang nalungkot si Julie nakalimutan nya kasing anniversary namin at unang beses para makalimutan nya.

Julie : Sorry!

Huminga ako ng malalim saka ngumiti na lang sa kanya.

Elmo : Okay lang.

Uupo na sana ako sa couch pero bigla akong hinila pabalik ni Julie.

Julie : Asus! Tampo sya. Sorry na po please? Ganto na lang ako magluto ng dinner natin? Okay na ba yun?

Ayun naman oh! Syempre wagas na ang ngiti ko. Gustong gusto ko kasi pag si Julie ang nagluluto. Alam na alam nya kung ano yung mga gusto ko. Kaya ayun! Bawi din kagad!

Elmo : Okay!

And kiniss ulit ako ni Julie. Sa noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong at syempre sa lips!

Julie : Moe! Tara na! Kain na tayo.

Kumain na kami ng dinner ni Julie. Pagkatapos nun syempre oras na para magpahinga.

Julie : Okay ba?

Elmo : Hmmm… Yum! Yum! Yum!

Tumawa si Julie dahil sa sinabi ko.

Julie : Ah Moe?

Elmo : Yes?

Julie : Bukas. Pwede ba tayong mamasyal ulit sa farm?

Elmo : Pero kakagaling lang natin dun di ba?

Julie : Eh sige na please? Tutal last two weeks na lang naman natin dito eh.

Elmo : Okay okay. Sige bukas! Ahmmm. 11am?

Julie : Yup!

Elmo : Okay.

Julie : Yehey! Thanks Moe! I love you.

Elmo : I love you too.

And they kiss again.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa tawag ni Frank.

Phone Convo…

Elmo : Hello?

Frank : Moe? Gising ka na ba?

Elmo : Oo bakit?

Frank : As in gising na gising ka na?

Elmo :Oo nga. Bakit ba?

Frank : May problema dito sa studio.

Elmo : Ano?

Frank : Ang dami kelangan iedit. And hindi ko kaya. Malapit na din kasi ang deadline. So okay lang ba na makaistorbo ako sa bakasyon nyo ni Ja?

Elmo : Hmmm… Kelan ba kelangan yan?

Frank : After 3 days.

Elmo : Okay. Email mo na lang sakin.

Frank : Okay! Thanks bro! Enjoy!

After tumawag ni Frank nagising na din si Julie.

Julie : Sino yun?

Elmo : Ah wala si Frank lang po.

Julie : Ah bakit daw?

Niyakap ako ni Julie.

Elmo : Wala yung sa studio kasi humingi lang po sya ng tulong.

Sabay kurot ko naman sa ilong nya.

Julie : Moe mamaya ha. 11am.

Ngumiti si Julie sakin.

Elmo : Ow shoot!

Julie : Bakit?

Elmo : Nakalimutan ko. Sorry!

Julie : Ano toh? Gantihan?

Elmo : Hindi naman. Julie.

Julie : Tss. Sige na tapusin mo na yan.

Pumunta si Julie sa sala at nanood ng tv. Ako naman inuna yung mga kelangan tapusin namin ni Frank.

Buong umaga hindi kami nagpapansinan ni Julie. Ganto naman lagi pag wala sya sa mood. Hindi ko muna kakausapin para hindi mas lalong uminit ulo nya.

Julie : Osige lalabas muna ako.

Elmo : Sige ingat…

After 1 hour umuwi na ulit si Julie dala yung binili nyang orange rose. Sa oras naman na to. Bad trip na ako. Ang daming sinend ni Frank hindi ko alam kung kakayanin ko ba na matapos to.

Kumatok si Julie sa pinto bago sya pumasok.

Julie : Moe?

Elmo : Not now please.

Julie : Moe.

Elmo : I said not now. Ja busy pa ako okay? Kung kukulitin mo lang ako tungkol dun sa pagpunta sa farm pwede kay manong ka na lang magpasama? Ang dami ko pang kelangan gawin oh.

Agad na lumabas si Julie. Lumabas ng bahay. Naiinis man ako pero sinundan ko si Julie. Baka kung san na naman kasi sya pumunta.

Elmo : Julie! Ano oras na oh.

Tumingin si Elmo sa relo sa kamay nya at 4 o’clock ng hapon malapit na din magdilim.

Tuloy tuloy lang sa paglalakad si Julie hanggang sa daan sinundan ko sya.

Elmo : Julie. Sorry na! Julie!

Dire-diretso lang naglakad si Julie hanggang sa hindi nya napansing may sasakyan pala hanggang sa nabangga sya at napatakbo ako papunta sa kanya.

Elmo : JULIEEEEEEEEEEE!!!

Binuhat ko si Julie at agad na tinakbo sa ospital. Pagdating dun.

Elmo : Julie.

Para akong tanga palakad lakad sa tapat ng emergency room. Hindi mapakali. Pabalik balik sa upuan.

Hanggang sa lumabas na din yung doktor.

Doc : Ikaw ba yung kasama nung pasyente.

Elmo : Opo doc. Kamusta na po ang girlfriend ko? Okay na po ba sya?

Hindi sumasagot yung doktor sa lahat ng tinanong ko. Tumingin lang sya sakin saka tinapik yung balikat ko.

Elmo : Doc ano?! Kamusta na po si Julie.

Doc : I’m sorry. Pero wala na sya. Ginawa namin lahat pero sya na rin mismo ang sumuko.

Ngumiti ako na parang tanga.

Elmo : Doc naman! Wag naman po kayong magbiro ng ganyan. Okay lang sya doc di ba? Di ba?!

Hinawakan ko yung damit ng doktor. At nanggigil. Saka ko naramdaman yung tumulong luha sa pisngi ko.

Elmo : Julie.

Pumasok ako sa kwarto kung nasan yung katawan ni Julie. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Elmo : Julie. Ang daya mo naman eh. Di ba magpapakasal pa tayo? Di ba? Gumising ka na nga dyan! Sige ka kung ikaw malakas magtampo ako magagalit ako!

Naramdaman kong may lumapit sakin. Mom ko pala kasama nyang dumating ang parents ni Julie, niyakap nya ko.

Elmo : Mom, ano. Gisingin nyo nga si Julie! Magpopropose pa ako sa kanya di ba?! Di ba?! Mom!

Elmo’s mom : Moe tama na.

Elmo : Mom okay lang ako.

Tumingin ako sa magulang ni Julie na umiiyak din sa gilid habang nakatingin sakin.

Elmo : Tito. Tita. Kayo naman gumising kay Julie. Dali na baka sakaling sa inyo sumunod sya. Ha.

Julie’s dad : Moe tama na. Tanggapin na natin wala si Julie.

Sa sinabi ni Tito napatayo ako.

Elmo : Ano? Wala? Sinong nagsabi? Eto lang sya oh! Nakahiga dito. Busy matulog! Gisingin nyo na sya dali!

Para akong bata na kinukulit ko silang lahat. Ilang beses kong hinaplos yung pisngi ni Julie. Ginigising kahit alam kong imposible.

Ilang araw na din yung lumipas simula nung naaksidente si Julie. Ngayon huling araw na ng burol nya. Dito na rin sya ililibing sa Baguio, yun kasi yung gusto ni Julie. Para daw malapit sa mga bulaklak.

Kausap ko si Frank habang panay tungga ako ng beer. Sa isang araw sapat na yung  tatlo o limang bote para sa almusal, tanghalian at hapunan at ang sobra para sa merienda.

Frank : Bro? Hindi ka ba pupunta sa libing ni Julie ngayon?

Elmo : Libing? Bakit sino bang namatay? Wala naman di ba?

Frank : Bro.

Elmo : Frank. Babalik si Julie. Okay?

Frank : Moe ano ba!? Balak mo na ba talagang sirain yang buhay mo? Ha? Sa tingin mo kung nakikita ka ni Julie ngayon, sa tingin mo matutuwa ba sya? Ha?

Elmo : Oo! Gusto ko nang sirain tong bwisit na buhay na toh! Frank! Dahil sakin kung bakit naaksidente si Julie! Dahil sakin! Dahil sa isang walang kwentang tao gaya ko! Sana. Sana. Sana ako na lang yung naaksidente! Sana ako na lang yung namatay!

Frank : Moe wala kang kasalanan. Aksidente lang lahat. Tama na yan, magbihis ka na buti pa.

Elmo : No. No. No! Just leave me alone! All of you!

Pinaalis ko si Frank saka nagkulong ako habang tinitignan lahat ng picture namin ni Julie.

Elmo : Ang daya mo. And daya daya mo! Alam mo ba yun?

Umiyak ng umiyak si Elmo habang hawak hawak yung picture nila ni Julie. Yung huling picture nila na magkasama.

Pagkatapos ng ilang araw ganun pa din ang gawain ni Elmo. Uminom ng alak. Ubusin ang oras nya sa alak.

Elmo : Oops! Ubos na pala yung alak dito sa ref. Okay no choice. Lalabas ako. Haist.

Pumunta si Elmo sa isang mini grocery store at bumili ng ilang bote ng alak.

Sumakay si Elmo sa kotse nya saka nagmaneho papunta sa lugar na madalas nilang puntahan ni Julie at dun uminom sya mag isa.

Elmo : Ang daya mo. Alam mo bang miss na kita. Miss na miss.

May tumabing Lolo kay Elmo at kinausap sya.

Lolo : Mahal na mahal mo sya noh.

Elmo : Sino ka naman?

Lolo : Hindi mahalaga kung sino ako.

Ngumiti ng sarkastiko si Elmo sa kanya.

Elmo : Wow. Okay. Edi hindi mahalaga.

Lolo : Mahal na mahal mo sya.

Elmo : Sobra! Sobra pa sa buhay ko. Kung pwede nga lang na humiling ako. Yun siguro hihilingin ko. Yung makasama sya ulit.

Lolo : Ayan ba talaga ang hiling mo?

Elmo : Lo? Paulit ulit lang? Bingi ka ata eh?

Ngumiti lang kay Elmo yung matanda.

Elmo : Gusto ko syang makasama ulit…

Bago pa man tuluyang malasing si Elmo ay umuwi na sya para dun na nya ubusin yung mga alak na binili nya. Bigla kasing umulan ng malakas.

Elmo : Julie miss na kita.

Niyakap ni Elmo yung paboritong unan ni Julie at pumikit na din hanggang sa nakatulog.

*CTTO po sa mga ginamit kong pics! :DD

23rd April 2012

Photoset reblogged from J. M. G. M. ^_^ with 230 notes

HAHA ANG KULIT LANG NI JAPS DUN SA 2ND GIF :DD HEHE TAS SI MOE WALA NO COMMENT SA SMILE NYA :’>

Source: omgiship